^

Libong sabungero sa Mabuhay cockpit, exempted sa IATF?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2020 - 12:00am

Masyadong istrikto ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpatupad nila ng guidelines para labanan ang COVID-19 sa bansa nitong holiday season, at nagbabanta pa na huhulihin ang mga party-goers. Kung sabagay, may katwiran ang IATF na maghigpit dahil nababahala ang gobyerno ni President Digong na tumaas ang bilang ng dadapuan ng virus dahil sa naging uso na sa mga Pinoy ang magtipun-tipon para magselebra ng Pasko at New Year.

Kaya lang, parang sobrang OA (overacting) na ang kautusan ng IATF na aarestuhin ang mga party-goers, na ang nais lang ay maghapi-hapi para hindi maburyong sa virus. Kung seryoso ang IATF na pigilin ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, dapat unahin nilang ipaligpit itong online sabong, na ang lahat nilang alituntunin ay binabalewala lang.

Ang sabi ni Interior Secretary Eduardo Año dapat 10 katao lang ang magtipun-tipon sa holiday season subalit sa Mabuhay cockpit sa San Fernando, Pampanga, libong sabungero ang nagkukumpulan kada araw at hindi uso sa mga ito ang social distancing at pagsusuot ng facemask.

Kapag hindi magalaw ng IATF ang Mabuhay cockpit, na base of operation ng online sabong na “Sabong Express” ng negosyanteng si Bong Pineda, aba mawawalan ng saysay ang lahat ng ibinabando nilang guidelines para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Halos ayaw nang palabasin ng IATF ang mga Pinoy sa kanilang bahay nitong holiday season dahil malaki ang posibilidad na mahawahan sila ng virus. Kaya maaga pa ay ipinagbawal na ang caroling, Christmas party, reunion at iba pang pagtipun-tipon, na kinaugalian na ng mga Pinoy. Maging ang NTC, DICT at Globe ay nagpalabas din ng public service advisory na hinihikayat ang mga Pinoy na umiwas sa mataong lugar.

Subalit ang mass gathering ba sa Mabuhay cockpit at iba pang lungga ng online sabong ay exempted sa guidelines ng IATF? Ano sa tingin n’yo Defense Secretary Delfin Lorenzana, Cabinet Secretary Karlo Nograles at Palace Spokesman Harry Roque? Bakit bulag, pipi at bingi kayong tatlo sa online sabong subalit sobrang mahigpit sa ordinaryong Pinoy? Dipugaaaaa!

Sana dalawin din ni Central Luzon director Brig. Gen. Val de Leon ang function room ng Royce Hotel sa Clark Freeport na halos puno rin ng sabungero kada araw, di ba Sir Jayjay?

Habang nakatali ang mga kamay ni President Digong, kumalat naman ang balita na P150 milyon ang isang bagsakan ng online sabong para walang patid ang operation nila kahit may pandemya. Dipugaaaa! Abangan!

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with