^

PSN Opinyon

National Broadband Program tinapyasan ni Speaker Velasco

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sa P4.5 trillion 2021 budget ay kayang ipriority ang para sa COVID vaccine pero naratipikahan na ang budget, isyu pa rin ang pondo para sa bakuna, anyare House Speaker Velasco? Ang sabi ni Pres. Rodrigo Duterte pon­dohan ang internet connections, ngunit nang marati­pi­kahan ang budget ayun lumabas kinaltasan ang National Broadband Program ng DICT kaya nag-aalburuto si Sen. Panfilo Lacson, ano ba ang priority kasi ng mga congress­man?

Tama si Sen Lacson, ‘yung infrastructure budget ng mga kaalyado ni Speaker Velasco nagawang isingit na taasan  ng ilang bilyon, P650 million hanggang P15 billion­ ang infrastructure budget ng bawat distrito. ‘Yan ang prob­lema kapag mahina ang House Speaker, nadadala na lang sa sulsol, hehehe!

Thirty two ang Deputy Speaker ni Velasco, isama pa ang mga committee chairman, lahat ‘yan may kanya-kan­yang bulong kaya ayun lahat sila may pondo, secured na ang kickbacks sa DPWH projects tapos ‘yung mga agency na magpapatupad ng mga programa ay slashed budget pa.

Nasa 60 milyong Pinoy ang dapat na mabakunahan kontra COVID pero P2.5 bilyon lang ang inilaang pondo kaya P72 bilyon drawing lang, nakalista lang sa budget for COVID vaccine pero ang totoo hahanapin pa lang ang pondo.

Ayon pa kay Senator Lacson, “This only shows that for some, a pandemic – and the crippling effects it has on all sectors of society - should not get in the way of personal interests.” Inuna kasi ang personal interest dito ng mga congressman.

Ipinaliwanag ni Lacson walang pag-aaral na ginagawa sa pagkaltas ng budget, basta lamang maisipan kaya ang sistema ang mahahalagang proyekto ang nasasakripisyo, halimbawa na lang ang national broadband program, kung sapat ang budget nito sa 2021 budget ay mailalarga na ang free wifi connection, makatitipid ang bansa ng P34 bilyon sa loob ng susunod na limang taon kasi hindi na magsu-subscribe at magbabayad ang government agencies sa mga private telcos at sa government connection na aasa.

Ibinunyag pa ni Lacson na para ma-accomodate P28 bilyong inserions ng mga mambabatas para sa pet projects nagkaroon ng magic, hindi pa  matukoy kung saang ahensiya huhugutin ang budget pero ang dalawa ay mula sa DICT at P8 bilyon naman ay sa modernization program ng AFP. Aminado mismo si Sen Lacson na mas maraming nanalo at naa-adopt na amendments ang Kamara pagdating sa budget.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with