^

PSN Opinyon

‘Plandemya, ‘sheeple’, ‘jontis’, atbp. balbal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa pag-isang taon ng COVID-19 sa mundo ngayong Dis­yembre, lalong laganap ang hinalang sinadya ito. Ayon sa conspiracy theory, binuo ang coronavirus sa laboratoryo sa Wuhan para ikalat sa America na kalaban ng China. Aksidenteng nahawa lang ang isang researcher at kumalat ang sakit sa Wuhan. Dahil umano hindi na ito makayang puksain, hinayaan na lang umalis ng bansa ang 5 milyong Wuhanese at manghawa sa mundo. Pagkikitaan na lang daw ng China ang gamot at bakuna nito.

“Plandemic” – sa Tagalog “plandemya” – ang tawag ng conspiracy theorists sa planadong pandemya na ito. At nagbunsod ito ng iba pang mga balbal (slang) sa iba’t ibang bansa.

Sa America, anang mga suspetsoso, nagkutsaba ang malalaking kompanya ng gamot sa pananakot sa mundo. Pakay daw nito pilitin magpabakuna lahat, kundi’y bawal pumasok sa opisina, restoran, simbahan, sinehan, at iba pa. Titiba ang big pharma dahil parang maaamong tupa (sheep) na bibili ng bakuna ang madla (people). “Sheeple” ang bansag nila sa mga umano’y uto-uto ng plan­demya, ulat ng “1843” magazine.

Pati mga Ruso at Hapones may kinataga para sa sarili nilang conspiracy theories. Sa Russia uso ang tawag nila sa mga tila dobol (lookalike) ni Vladimir Putin. Pabata nang pabata ang nagiging hitsura ng President nila; hala­tang may humahalili lang sa pagharap sa publiko. Natatakot umano­ siya makihalubilo’t maimpekta, kaya puro dobol lang.

Sa Japan isinisisi ng mga kalaban kay Prime Minister Abe Shinzo ang C-19. Anang mga “Abeg?”, kesyo naki­­pagsabwatan siya sa China na ikalat ang sakit at pagkakitaan ang gamot. Kaso, nahawa raw siya kaya nagbitiw.

Sa Pilipinas “churva” (fake news) lang ang tingin sa conspiracy theories. Imbento lang lahat sa mga “chikahan”. Importante sa atin, patuloy mamigay ng “ayuda” si “yorme”, para meron tayo pambili ng “chibog”. “Petmalu” kasi itong indultong C-19. Nakaka-”praning” na nga ang lockdown, tapos na-”jontis” (buntis) pa si “momshi” (nanay, misis).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with