^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa kolokoy na ‘to! (Tao raw siya ng mga TULFO)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Marami nang sumubok na gamitin ang pangalan naming­ magkakapatid na TULFO. Kung hindi sa kabutihan, minsan­ sa kalokohan, ito ay ginagamit bilang panakot.

Isang Benjie Dela Cruz alyas “Timbog” ang isinumbong sa BITAG dahil sa pagsisiga-sigaan nito sa kanilang lugar sa Caloocan.

Nangungumpronta at umeepal sa mga kaso ng baran­gay dahil ang pakilala niya ay taga-media raw siya at staff ng Tulfo Brothers.

Hindi ko naging tao ang kolokoy na ‘to, dating alalay lamang ng mga gurang na cameraman ng BITAG Ang Benjie Dela Cruz na ito.

Tumutulong daw siya sa mga inaapi. Ang siste, kina­ka­ladkad ang pangalang TULFO.

‘Yung isa sa kanyang mga kinumprontang senior citizen na lola, inatake ng nerbiyos sa harap mismo ng Lupon ng Barangay. Kaya umabot sa aking tanggapan ang sumbong na ito.

Hindi naman imbitado sa barangay pero mahilig ume­pal itong si Benjie dahil kamag-anak daw niya ang inire­reklamo sa Lupon.

May iba pang impormasyong natatanggap ang BITAG hinggil dito simula nang maipalabas namin sa telebisyon.

Kaya naman simpleng mensahe ang iniwan ko kay Benjie alyas “Timbog”, kakayanang tumulong ay dapat ginagamit sa kabutihan at hindi sa pang-aabuso.

Walang problemang tumulong kahit na gayahin pa ang estilo ko. Ang problema rito ay kapag ikaw mismo ang nang-aapi, nananakot gamit pa kaming T3 (Tulfo Brothers)

Lilinawin ko lang, hindi naging staff ng BITAG ang kolokoy na ito.

Kay Tol Raffy naman, matagal na niya itong sinibak at hindi rin tumagal sa kanyang grupo.

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with