^

PSN Opinyon

Mag-ingat lalo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kaliwa’t kanan ang paunawa mula sa pamahalaan at sa lahat ng nag-oobserba ng ating sitwasyon sa pan­demya na mag-ingat sa susunod na mga araw. Dahil na nga sa nakagawiang mga pagtitipon ng pami-pamilya sa panahon ng Pasko, inaasahang marami ang hindi maka­pagpipigil na magkaroon ng selebrasyon.

Bilang karagdagang pag-iingat, inatasan na ng IATF na hindi lamang face mask ang obligadong suot sa labas ng pamamahay. Maging face shield ay hahanapan ka na rin. Kung ganitong puwersadong proteksiyon ang hinihiling ng pagkakataon, agad naman itong ibinibigay ng inyong pamahalaan.

Maganda ang ating rekord bilang bansa nitong nakaraang mga buwan. Itong linggong nakalipas ay pinagpala pa nga tayong humantong sa 3.9% positivity rate, unang beses nating nagawa mula Mayo. Sa pamantayan ng World Health Organization (WHO), ang 5% positivity­ rate pababa ay marka nang mahusay na pamamahala ng pandemya. Maging ang ating araw-araw na talaan ng total positives ay pababa. Ang average ay nasa bingit na ng 1,000 at kung mapapangatawanan ay madali na lamang pumalo ng mas mababa pa sa 1,000 na average.

Noong Oktubre, minalas tayong maisama sa top 20 na pinakamataas ang bilang ng positibo sa mundo. Hanggang top 18 ay inabot natin. Mula noon ay pababa na tayo nang pababa. Sa huling kuwentahan ay No. 28 na tayo at malapit nang mag-No. 29. Hindi lamang ang pagtaas ng impeksiyon ng ibang bansa ang dahilan para masapawan tayo. Talagang gumaganda ang ating performance.

May napansin na pagtaas ng reproduction rate sa Metro Manila. Sa paghigpit ng regulasyon, mahahabol din natin ito. Ang mahalaga ay naipamumukha nito sa atin na, gaano man katagal inabot itong flattening of the curve, kayang-kaya pala natin kung idisiplina lang ang ating sarili.

Sana’y patuloy tayong maging maingat sa katawan at alalahanin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat makaharap. Tulad ng abiso noon pa, sa pakikisalamuha sa kapwa, ituring nang para kang COVID-19 positive para higit na masundan ang mask, shield, distancing at washing.

vuukle comment

COVID-19

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with