^

PSN Opinyon

Digmaan sisiklab sa aksidente lang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG Oktubre inatasan ni Chinese President Xi Jinping­ ang mga kawal nila na ihanda ang isip at sigla sa digmaan. Umalerto, utos niya sa People’s Liberation Army. Maging “matapat sa, busilak at maasahan ng” Communist Party of China, na direktang nagpapatakbo ng PLA.

Hindi na kinailangan ni Xi tukuyin kung sino ang kalaban. Naggigirian sila ng America sa South China Sea, East China Sea, at Taiwan Strait. Ito’y dahil inaangkin ng China ang tatlong dagat. Nais ng China na humingi muna sa kanya ng pahintulot bago dumaan doon ang mga barko at eroplanong pang-komersiyo. Sa pagkontra, kasama ng America ang Britain, France, Canada, Australia, Japan, at India. Pati mga kaalyado nila -- Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines at Vietnam -- ay niyuyu­rakan ng China. At balak ng China na sakupin ang “probinsiyang” Taiwan. Deadline nila magawa ito sa pagitan ng 2019 (ika-70 anibersaryo ng pag-agaw ng mga komu­nista sa poder) at 2021 (ika-100 taon ng pagtatag sa Chinese Communist Party).

Nagpapasiklab ang PLA na may 2.3 milyong sundalo. Tinutuya ang naval patrols ng America at mga kaalyado. Tatlong beses na mula 2018 pininahan ng Chinese fighters­ at warships ang mga patrolya ng America, Britain at India­ sa rehiyon. Ineensayo na ng China ang paglusob sa Taiwan. Pinalubog ng Chinese militia trawlers ang mga bangkang pangisda ng Pilipinas at Vietnam. Tinutukan na ng missiles ang navy natin. Isang maling kalabit lang sisiklab ang digmaan.

Isang hibang lang ang magnanais ng giyera na papatay sa daan-milyon katao. Inaambisyon ni Xi maging kasing-sikat ni Mao Zedong na isa sa nagtatag ng CCP at nagluklok sa mga komunista. Ipinasingit na niya ang Xi Jinping Thought, bilang dagdag sa Mao Zedong Thought, sa Konstituyon nila. Lango sa kapangyarihan ang ambisyosong Xi.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with