^

Health protocol ng IATF, sinusuway ng ‘Sabong Express’!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

Halos lahat ng patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force sa pagbubukas ng sabong sa kasagsagan ng COVID-19 ay hayagang sinusuway ng online sabong na “Sabong Express” sa Mabuhay cockpit sa San Fernando, Pampanga. Kaya tumpak lang ang puna ng mga kosa ko na binabalewala ng “Sabong Express,” ng negosyanteng si Bong Pineda, ang mga health protocols ng gobyerno ni President Digong para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Kung sabagay, hindi lang si Pineda ang hindi sumusunod sa health protocols ng IATF kundi maging ang online sabong din nina Atong Ang at Patrick Antonio. Kahit nagtatalsikan ang laway nina IATF chair Defense Secretary Delfin Lorenzana, Cabinet Secretary Karlo Nograles at maging si Palace Spokesman Harry Roque na bawal pa silang mag-operate eh hindi naman sila pinapansin ng online sabong na hayagan pa ang operation sa social media.

Sino ang dapat sisihin dito? Ang PAGCOR ba nag-isyu sa kanila ng permit, ang Games and Amusement Board, ang IATF, ang PNP, o ang NBI? Kaya tama lang ang puna ni kosang Jerry Yap na nakatimbre hanggang sa “itaas” ang online sabong. Dipugaaaa!

Kung pinabuksan man ng IATF ang numero unong hobby ng mga Pinoy na sabong  subalit sa kundisyon na sumunod sila sa health protocols ng gobyerno, tulad ng social distancing at pagsuot ng facemask. At higit sa lahat walang miron o mananaya sa loob ng sabungan at walang camera na kukuha ng sabong live.

Ang patakaran ng IATF ay malakas na tinutulan ng FIGBA, ang samahan ng mga legal na cockpit owners, dahil kapiranggot ang kikitain nila rito at hindi sapat pambayad sa gastusin tuwing may sabong. Kaya hinimok ng FIGBA ni Ricardo Palmares Jr., na payagan ang halos 30 porsiyento ng mananaya sa sabungan subalit hindi ito pinansin ng IATF kaya nagdalawang-isip silang magbukas. Dipugaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na ang Mabuhay cockpit ay punong-puno kada araw ng mga adik sa sabong. Wala na ang social distancing at may ilan pang hindi nakasuot ng facemask. Parang hindi pa nadala ang mga sabungero sa insidente sa Davao kung saan marami ang namatay dahil dinapuan ng COVID-19. Ang tanong, sasagutin kaya ni Pineda ang pagpapagamot sa mga tinamaan ng COVID habang nagsasabong sa Mabuhay cockpit? Dipugaaaa!

Ang tanong ko naman kay alyas Jayjay, bakit hindi maipatupad ni Central Luzon director Brig. Gen. Val de Leon ang health protocol ng gobyerno sa Mabuhay cockpit? Sino si Manukdok? Abangan!

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with