^

Bata ang binenta (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

Ang kaso ng large scale human trafficking ay tungkol sa recruitment, pagbibiyahe o pagtanggap ng mga tao sa kung saan man na dako sa pamamagitan ng pananakot, dahas, puwersa, panloloko o pag-abuso sa posisyon, pagsasamantala sa kanilang kahinaan at pagbibigay ng bayad o pagtanggap ng pera o benepisyon para sa prostitusyon o pangangalakal ng laman. Ang isyu sa kaso ay ang pagsasamantala sa kahinaan ng biktima at kung kailangan ang aktuwal na pagsasayaw o pagsama sa malalaswang palabas ng mga biktima.

Ang kasong ito ay tungkol kay Linda na kasal kay Larry. Mayroon silang pitong anak kabilang sina Ricky at Sally. Nang maghiwalay sina Linda at Larry, umalis ang iba nilang anak at namuhay mag-isa.

Labing-isang taon ang lumipas pagkatapos nilang maghiwalay ni Larry, bumalik sa kanyang bayan si Linda kasama ang anak na si Sally para kunwari ay magbakasyon. Pero ang totoo, kumukuha sila ng mga batang babae na magtatrabaho sa internet café.

Nakumbinsi nila ang 12 dalagita mula sa iba’t ibang barangay. Lahat sila maliban sa isa ay menor de edad. Ang una nilang nabola ay si Nancy na 15-anyos at nasa pareho nilang barangay. Sabi ni Linda sa kanya ay magtatrabaho siya sa internet café bilang mananayaw at bra lang ang suot. Binigyan ni Linda ang nanay ni Nancy ng P2,000 na bawas sa suweldo nito.

Ang sumunod naman na naloko ng mag-ina ay si Minda na 16-anyos at si Rita na 17-anyos. Inutusan ni Linda ang dalawa na sunduin ang mga nanay nila para makausap. Sinabi ni Linda na magtatrabaho ang mga dalagita sa internet café at susunod sa lahat ng utos ng parukyanong foreigner.

Bumiyahe sina Nancy at Minda sa bangkang de-motor at sinundo ang 10 iba pa: Jenny, 16-anyos, Cita-17, Rita-17, Gigi-13, Hilda-15, Fely-15, Amor -16, Nora -17, Mila- 17, at Nita- 18. Lahat sila ay nagkita sa pier at binigyan ni Emma ng mga tiket na kunwari ay nasa hustong edad. Pero naharang sila at nilapitan ng isang lalaki sa bahay sinama sa presinto para makausap ng pulis na si Regina at social worker na si Nena.

Kinasuhan sina Linda at Sally ng krimen na Qualified Trafficking in Persons dahil nakipagkutsabahan sila para makuha ang mga dalagita at magamit sa prostitusyon at pornograpiya dahil sa 11 menor de edad at isang 18-anyos na babae. Sa paglilitis, ginawang testigo ng prosekusyon sina Nancy, Minda, Rita at Nita. Pati sina PO2 Regina at ang social worker na si Nena ay tumestigo sa mga insidenteng sangkot sila.

Bilang depensa, tumestigo si Linda na nasa bakasyon lang siya sa bayan kasama ng anak na si Sally.  Naghahanap lang daw sila ng apat na katulong, dalawa para sa kanya at dalawa para sa anak na si Ricky. Tapos daw ay sinama lang nila ang mga dalagita na anak ng kanilang mga kamag-anak at sasabay sa kanila sa barko papunta sa Manila. Nakumbinse raw ang mga dalagita na magtrabaho sa kanila.

Ayon naman sa testimonya ni Sally, wala silang negosyo na internet café. Bukod daw kay Gigi na kanyang pamangkin ay hindi na niya kilala ang iba pa nilang kasamang dalagita. Ang nanay lang daw niya na si Linda ang tumulong na bumili ng tiket ng mga babae.

Matapos ang paglilitis, napatunayan ng walang pag-aalinlangan na nagkasala sina Linda at Sally ng paglabag sa human trafficking (Sec. 4 in relation to Sec. 6 RA 9208) at hinatulan ng habambuhay na pagkakulong at pinagbabayad ng P2 milyon na multa. Parehas ang naging hatol ng Court of Appeals na pinagbayad pa ng dagdag na danyos (moral damages/exemplary damages) ang mag-ina.

Umapela sina Linda at Sally sa Supreme Court at ipinilit na hindi nila kinumbinsi ang mga dalagita na sumama sa kanila para magtrabaho. Ang mga magulang daw ng mga bata ang lumapit sa kanila para dalhin sa NCR ang mga anak at makahanap ng trabaho.

(Itutuloy)

BATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with