^

COVID-19, tataas sa Cavite dahil sa jueteng!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2020 - 12:00am

Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang jueteng den sa Gen. Trias sa Cavite at inaresto ang 23 katao habang binobola ang winning combination nito. Siyempre, wala sa area ang management ng jueteng na si Jun Moriones at ang bangka na si John Yap. Kung bakit pinayagan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang jueteng sa kanyang probinsiya ay siya lang ang nakaaalam. Araguuyyy!

Kaya kung lumaki man ang bilang ng nadapuan ng COVID-19 sa Cavite mga kosa, walang ibang dapat sisihin kundi si Remulla dahil lalabas ang mga kubrador sa kalye para mangalap ng taya. Sa ngayon, nasa moderate­ ge­neral community quarrantine (MGCQ) ang Cavite hang­gang Disyembre 31 subalit hindi nakasisiguro si Remulla na mami-maintain niya ang mababang bilang ng tinamaan ng virus dahil dumami ang taong gumagala sa kalye. Ano kaya masasabi ni Col. Marlon Santos, ang provincial director ng Cavite PNP at nabulaga siya ng CIDG? Dipugaaaa! Strike One!

Ang sinalakay na istasyon ng jueteng ay matatagpuan sa Bgy. Sta Clara. Hindi nakapiyok ang mga kubrador at empleyado nina Moriones at John Yap kaya lang 20 lang sa kanila ang kinasuhan at pinakawalan ang tatlo “for humanitarian reason” dahil mga seniors na sila. Sinabi ng mga kosa ko na ang ibinabando nina Moriones at John Yap ay legal sila subalit bakit kinasuhan sila sa piskalya? Kasi nga hindi naman kasali ang Cavite sa 61 probinsiya na ang Small Town Lottery (STL) ay pinabuksan kama­kailan ni PCSO General Manager Royina Garma. Saka wala namang ibinabando si Garma na may gaming pro­ducts ang PCSO sa Cavite kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na jueteng ang palaro nina Moriones at John Yap, di ba mga kosa?

Di ba itong si John Yap din ang bangka ng jueteng sa Rizal? Bakit kaya biglang nagsulputan ang jueteng nang mag-assume sa puwesto si Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe «Pipoy» Natividad? Porke ba’t kamag-anak ni Interior Sec. Eduardo Año si Natividad eh hindi na niya pinapansin ang “no take policy”  ni PNP chief Gen. Debold Sinas laban sa pasugalan? Dipugaaaa!

Kung sabagay, ang jueteng ay bumalik na rin sa southern Metro Manila kahit panay raid ng NCRPO at NBI sa mga istasyon nito sa Muntinlupa City at Paranaque. Dahil tinakbuhan ni Sonny Tan ang 48 katao niya, ang bagong bangka ng jueteng sa SPD ay si Madam Reyna alias Tita ng Laguna. Dipugaaaa! Abangan!

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with