^

PSN Opinyon

Sandamakmak ang House deputy speakers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nakalusot sa Kamara ang maraming deputy speakers­ (DS) na itinalaga ni House Speaker Lord Allan Velasco. Ito na kaya ang kapalit sa utang na loob sa pagplantsa ng gusot sa term sharing nila ni dating Speaker Alan Cayetano?

Itinuring ng political analyst na si Mon Casiple na isang scandal ang nangyayari ngayon sa House of Repre­sentatives na mayroong 29 na House DS. Ayon pa kay Casiple hindi kailangan ang maraming DS ng Mababang Kapulungan dahil wala naman itong naipakitang naga­gawa, habang dumarami ang itinatalagang DS ay dumarami lamang ang gastos. Malinaw umano na ang nangyayari ay political accommodation, nabigyan ng puwesto ang mga kongresista na naging instrumental sa pag-upo bilang House Speaker ni Velasco.

Siyam pang sumuporta kay Velasco sa speakership row ang niregaluhan nito ng Deputy Speakership, ang 29 kabuuang bilang ng DS ang pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara. Ang siyam na bagong DS ay sina Arnolfo Teves Jr, Negros Oriental 3rd District; Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep.Weslie Gatchalian at 1st District Rep Eric Martinez.

Si Teves na dating self-confessed drug user ang unang nagpalutang sa isyung hindi patas na hatian sa pondo ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano subalit nang maipasa ang P4.5-trillion 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay lumitaw na mas tumaas pa ang budget ng mga kongresista na nabigyan ng P650 milyon hanggang P15 bilyon bawat isa na infrastructure allocation.

Si Las Pinas Rep. Camille Villar ay itinalaga rin bilang DS subalit tinanggihan niya ito, sa website ng Kamara ay makikita pa rin ang pangalan ni Villar bilang DS, kung hindi tatanggapin ni Velasco ang kanyang pagtanggi sa puwesto ay nasa 29 ang DS. Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din ito na mga perks gaya ng budget na P200 milyon at pagkakaroon ng voting powers.

Sa 2017 report ng Commission on Audit (COA) lumilitaw na P4.89 bilyon ang nagastos sa mga expenses sa mga tanggapan ng mga kongresista, ito ay para lamang sa 14 na DS noon na tiyak na dodoble ngayong 29 na ito.

vuukle comment

DS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with