^

DFA, basahin n’yo ‘to!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2020 - 12:00am

Hindi pa man tapos ang kaso ng pangmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay na kasambahay ay sinundan na ito ng kapa­rehong sumbong na inilapit sa Bitag.

Si Jocelyn Catamora Gonzales isang PWD (Persons with Disability) inirereklamo ang pang-aabuso ng kanyang amo na si Lourdely Laid, isang Project Officer ng Depart­ment of Foreign Affairs.

Nakapagtataka na simula Setyembre ay nagpabalik-balik na siya sa DFA ngunit wala pa rin siyang natatanggap­ ng aksyon mula ahensya.

Ayoko man sabihin subalit, tila natutulog sa pansitan ang mga kawani ng DFA na tumanggap ng reklamo ng pobre. Siguradong hindi ito nakaabot kay Sec. Teddy Locsin.

Ito ang nagtulak kay Jocelyn na lumapit sa BITAG. Nitong­ nagdaang Sabado, sa tulong ng tanggapan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, ay inumpisahan nang imbestigahan ang reklamo ni Jocelyn.

Tatlong kaduda-dudang impormasyon ang nalaman ng mga abogado ng tanggapan ng Senador:

Una, paggamit ng ‘Red Passport’ na eksklusibo lamang­ para sa mga opisyales at representante ng gobyerno ng Pilipinas.

Pangalawa, ang hindi pagdeklara na isang PWD na may speech impairment si Jocelyn nang dalhin siya ng among si Laid sa Malaysia.

At pangatlo, ay ang hindi agarang pagtugon ng DFA sa sumbong ni Jocelyn. Palaisipan din sa mga abogado kung bakit tatlong beses na’y wala man lang progreso ang sum­bong ni Jocelyn sa DFA.

Sa kaso ni Ambassador Mauro, marami pa rin ang nag­­hihintay sa hatol. Kung mapaparusahan ba siya o hindi at anong klaseng parusa ito.

Sa kasong ito ni Jocelyn, hindi papayag ang BITAG na walang mangyayari sa kaniyang reklamo.

Tututukan ito ng BITAG hanggang sa makamit ni Jocelyn ang nararapat na hustisya sa tulong ng tanggapan si Sen. Pimentel III.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with