^

PSN Opinyon

Ayaw maniwala kay Nina (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

IBINASURA rin ng Supreme Court (SC) ang apela ni Cardo. Tungkol sa krimen na qualified rape, inamin na 12-anyos noon si Nina at si Cardo naman ay live-in partner ng ina niyang si Cita. Malinaw na lahat ng elemento ng krimen ay napatunayan, 1) may nangyari sa kanila, 2) isang babaing wala pa sa 18-anyos ang sangkot, at 3) tumatayong magulang ang akusado na kinakasama ng totoong magulang ng biktima.

Hindi na kailangang patunayan ang dahas alinsunod sa batas (Art. 266-A. par. 1 [a] RPC) dahil sapat na ang moral at pisikal na katayuan ng ama-amahan para mangimi sa kanya ang biktima. Sa kasong ito ay napatunayan ng prosekusyon na ginamit ni Cardo ang pananakot at pag-abuso ng awtoridad ayon na rin sa testimonya ni Nina. Sa pagresolba sa kaso ay pangunahing konsiderasyon ng korte ang kredibilidad ng salaysay ng biktima tulad ni Nina. Puwedeng ito ang tanging basehan para mapakulong ang akusado. 

Madalas kasi na walang testigo sa krimen at ang nag-iisang ebidensiya ay ang salaysay ng biktima. Mas mabigat ito lalo at kamag-anak pa niya ang inaakusahan sa krimen. Walang silbi ang pagtanggi ni Cardo sa positibong pagtuturo sa kanya ni Nina. Hindi sapat ang na­ging pagkilos ng biktima pagkatapos ng paghahalay at ang hindi niya agad pagsusumbong para balewalain ang kanyang testimonya. Hindi makatarungan at walang rason para lagyan ng pamantayan ang dapat na reaksyon ng isang 12-anyos na bata sa nangyari. Isa pa ay tugma naman ang salaysay ni Nina sa naging ulat ng mga doktor na sumuri sa kanya.

Sa kasong ito ay walang basehan para baliktarin ang naging pagsusuri ng RTC at CA sa krimen ng child abuse. Ang mga elemento nito ayon sa Section 3, Article III RA 7610 ay (1) nagkaroon ng sexual intercourse o lascivious conduct ang akusado laban sa biktima, (2) nagamit ang bata sa prostitusyon o child abuse, (3) wala pa sa 18-anyos ang edad ng biktima. Ang lascivious conduct ay ang sinadyang direkta o hindi tuwirang paghawak o pagpasok ng anumang bagay sa maselang parte ng katawan ng isang tao na ang layunin ay ipahiya o gawing parausan ang biktima. Sa kasong ito ay malinaw na naalala at naisalaysay ni Nina kung paano siya inabuso ni Cardo.

Kaya talagang nagkasala si Cardo sa dalawang krimen (qualified rape & lascivious conduct) at dapat parusahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo at magbayad ng kaukulang danyos sa dalawang kaso (People vs. XXX, G.R. 230981, July 15, 2020).

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with