^

PSN Opinyon

Tangkilikin ang PCSO

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa rin ang pasaway at lumalabag sa health protocols. Maraming nagkukumpulan sa mga palengke, mall, parke at maging sa kalye. Patunay ito na hindi nila alintana ang panganib ng COVID-19.

Samantala, may mga kababayan na natatakot magpabakuna kontra COVID. Kaya maging si Senator Christopher Bong Go ay nagpahayag na kailangan munang maunang magpaturok ng bakuna sina vaccine csar Carlito­ Galvez at Department of Health secretary Francisco Duque III upang mawala ang takot ng publiko.

Samantala, mukhang walang kakayahan si Philippine Gaming Corporation chairwoman Andrea Domingo na mapa­tigil ang Online Sabong ni Bong Pineda kaya walang nakukuhang buwis ang Duterte administration. At oras na magkasakit ang mga pasaway pasanin pa ng gobyerno ang kanilang pagpapagamot.

Pagdating naman sa usaping droga, bultu-bulto na ngayon ang mga nasasamsam ng mga PDEA at PNP.  Kaya naman kaliwa’t kanan na itong accomplishment ni BGen. Ronald Lee ang bagong Director ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa paglambat sa drug traffickers. Patunay dito ay itong pagkalansag sa Manila-Mindanao connection drug syndicate matapos na maaresto ang dalawang miyembro na sina Marlon Bayan at Guimalodin sa Taguig City na may dalang walong kilong shabu na nagkakahalaga ng P54 milyon.

Samantala, masuwerte namang napanalunan ng nag-iisang mananaya ang P265 milyong sa Supper Lotto 6/49 jackpot. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Marzan-Garma, ang masu­wer­teng nakasungkit ng P265,353,489.60 ay mula sa Maynila na nakahula sa winning combination 06-12-18-20-32-41 sa bola noong Linggo. Siguradong masaya ang kapaskuhan ng jockpot winner at malaki pa ang kanyang naiambag sa pondo ng PCSO para makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.

May panawagan si GM Garma, tangkilikin ang palaro ng PSCO dahil malaking ambag ito na makalikom ng pondo para matulungan ang Charity Program ng pamahalaang Duterte. Ayon kay Garma “The PCSO serves as the principal government agency for raising and providing funds for health programs, medical assistance and services, and charities of national character.  One of its key programs is the Medical Access Program, which is designed to augment the medical needs of Filipinos nationwide, particularly hospital confinement, chemotherapy, dialysis, and post-transplant medicines. The program is funded by revenues from PCSO games nationwide”.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with