^

Pamaskong Handog: Ligtas at makabuluhang pamamahagi sa bawat barangay

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2020 - 12:00am

Naging tradisyon na sa Makati ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa ating mga Proud Makatizen. Ikinagagalak naming makapaghatid ng saya sa mga tahanan kahit sa munting regalong ito mula sa aming puso.

Ngayong taong ito ay higit naming pinagbuti at inagahan ang pag-aayos ng mga Christmas bags para sa humigit-kumulang 240,000 benepisyaryo. Kabilang dito ang senior citizens, persons with disability (PWD), solo parents, rehistradong mga operator at driver ng dyipni at traysikel, at mga empleyado ng city hall at barangay hall.

Alam namin na mas naging mahirap ang taong ito para sa nakararami. Kaya naman kahit sa simpleng paraan ay nais naming ipaalala na hindi natin dapat kalimutan ang tunay na diwa ng Kapaskuhan. Gusto rin namin na kahit papaano ay may pagsaluhan silang noche buena ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang bawat Christmas gift bag na matatanggap ng mga nabigyan ng tiket ay naglalaman ng dalawang Makatizen shirts, tatlong lata ng tuna flakes in oil, tatlong lata ng tuna flakes kaldereta, tatlong lata ng corned beef, isang lata ng luncheon meat, dalawang lata ng vienna sausage, isang pack ng spaghetti sauce, isang pack ng pasta, isang lata ng fruit cocktail, isang lata ng kondensada, isang pack ng keso, at isang lata ng all-purpose cream.

Payak man at simple ang selebrasyon, ang mahalaga ay kasama natin ang ating pamilya at ligtas tayo sa sakit at panganib.

At dahil hangad ng pamahalaang lungsod na mana­tiling ligtas at malusog ang mga Makatizen lalo na ngayong Kapaskuhan, nagdagdag kami ng libreng face shield sa aming Pamaskong Handog.

Simula pa noong November 2, namahagi na kami ng plastic face shields kasama ng Pamaskong Handog tickets­ na inihahatid ng mga kawani ng lungsod sa mismong bahay­ ng mga residente.

Bukod sa paggamit ng face shields, pagsusuot ng face masks, at pagsunod sa mga patakaran at alituntunin tungkol sa social distancing, gusto ko ring ipaalala sa lahat na kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at pag-aalaga sa sarili.

Nandiyan pa rin ang panganib ng COVID-19, ngunit makaaasa kayo na gagawin namin ang lahat para maging ligtas at maligaya ang ating Kapaskuhan, hanggang sa ating salubungin ang mas masaganang Bagong Taon.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with