^

‘Sabong Express’, lumalakas ang kubransa! ‘‘

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Kumuha ng IT company ang online sabong na “Sabong Express” ng negosyanteng si Bong Pineda para hindi na ma-hack ang operation nila. Noong mag-inaugural derby kasi itong “Sabong Express” noong Nob. 5, na-hack ang kanilang website kaya pahintu-hinto ang kanilang operation­. Maya’t maya kasi may lumalabas na mensahe sa kanilang screen na “only for viewing and not for betting.”

Gumanda lang ang takbo ng “Sabong Express” bandang madaling araw na, ayon sa mga kosa kong sabu­ngero. Ang pinagsuspetsahan na may kagagawan ng hacking sa website ng “Sabong Express” ay si alyas Joseph. Ang unang plano ng tropa ni Pineda ay kumuha ng mga IT expert mula sa Thailand subalit ang ipinarating ng kausap nilang agent ay mga palpak.

Kaya kinontrata ni Pineda ang kompanya ni Dencio Uy at sa halagang P150 milyon sa isang taon kaya wala nang sagabal sa operation nila. Nag-hire pa ang ma­nage­ment nang 40 katao sa suweldo na P60,000 para taga-refresh ng website nila. Dipugaaaa!

Sa biglang tingin, nakatulong pa ang “Sabong Ex­press” ni Pineda sa gobyerno ni President Digong dahil marami itong nabigyan ng trabaho sa panahon ng COVID-19. Kaya lang, may paglabag pa sila sa “Bayanihan Heal as One” dahil binabando pa ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Cabinet Secretary Karlo Nograles at Palace Spokesman Harry Roque na bawal pa sila.

Itinama ng mga kosa ko na ang sabong ay isinasagawa sa Mabuhay Cockpit sa San Fernando, Pampanga at hindi sa Royce Hotel sa Clark Freeport na unang ini­report ng Dipuga. Ang tayaan lang pala ang andun sa function room ng Royce Hotel, na pag-aari ng pamilya ni Pampanga Gov. Dennis Pineda.

May pumupunta pa sa Royce Hotel na isang Chinese mestizo na si alyas Jayjay na komokolekta ng lingguhang intelihensiya para sa mataas na opisyal ng Central Luzon police. Alam kaya ni Brig. Gen. Val de Leon, Central Luzon police director ang ginagawa ni Jayjay? Dipugaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na rumaratsada na ang “Sabong Express” at dumarami na ang bilang ng adik sa sabong na naganyak sa pa-derby nito at naapektuhan na ang Pitmaster ng negosyanteng si Atong Ang. Dipugaaaa! Abangan!

IT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with