^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Number coding ibalik para malutas ang trapik

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Number coding ibalik para malutas ang trapik

KAHAPON, nakaranas na naman ng grabeng trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular sa EDSA. Usad pagong na naman lalo sa mga bahaging inalis ang U-turn slot. Bumper to bumper sa Mindanao Avenue. Buhol-buhol na at wala namang magawa ang traffic enforcers para maisaayos. ‘Yung ibang enforcers, hinahayaan nang magkabuhul-buhol ang trapik gaya nang narara­nasan papasok ng SLEX at NLEX.

Lalo pang nagkakabuhul-buhol ang trapik dahil sa mga truck na sumasabay sa paglabas ng mga pribadong sasakyan at PUVs. Hindi nababawasan ang trapik sa mga kalsadang patungo sa South at North Luzon Expressways dahil sa isyu ng pagka­kabit ng RFID stickers. Simula Disyembre 1 ay magi­ging cashless na ang pagpasok sa SLEX at NLEX. Dahil marami pang sasakyan ang hindi pa nakakabitan, tumukod ang trapik sa mga kalsadang pa­pasok sa expressways. Nakadagdag sa trapik ang mga isinarang U-Turn slots sa EDSA. Halos lahat ng U-turn slots ay isinara na.

Nakikitang pangunahing dahilan ng trapik ay ang suspensiyon ng number coding. Lahat nang sasak­yan ay nasa kalye kaya siksikan. Wala nang bigayan lalo na kung rush hour.

May ilang mayor na humihiling na ibalik na ang number coding para maibsan ang dinaranas na trapik sa Metro Manila. Isa si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na humihiling sa Metropolitan Manila Development Authority na ibalik na ang number coding at truck ban. Sabi ni Gatchalian, kahit sa kanyang siyudad lang ibalik ang number coding at truck ban para mabawasan ang mga sasakyan ngayong Kapaskuhan.

Sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme at truck ban noong Marso para hindi ma­apektuhan ang pagpasok ng health workers at ganundin ang delivery ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan habang nasa gitna ng pandemya. 

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, pag-aaralan nila ang pagbabalik ng number coding­ at truck ban. Hindi pa rin daw kasi normal ang capacity ng public transport kaya suspendido ang coding.

Sana mapag-aralan ito ng MMDA sa lalong ma­daling panahon. Nararapat maibsan ang nakaya­yamot na trapik sa Metro Manila.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with