^

PSN Opinyon

Walang ‘forever’sa pulitika

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LUMUNDAG na, natisod pa! Ito ngayon ang usap-usapan ng mga tagasuporta ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano. Tama ang kasabihan na walang “forever” na kaal­yado sa pulitika pagdating sa ambisyon na makakuha ng magandang puwesto sa  Kamara. Hehehe!

Nabalitaan ko, noong nasa kasagsagan ng Speakership row ukol sa term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, lumutang ang pangalan ni AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin, naging kontrobersiyal ang lady solon nang mag-ober da bakod ito at hayagang sinuportahan si Velasco gayong kaal­yado ito ni Cayetano.

Dahil sa resulta ng kanyang paninira at pagtalikod sa lide­rato ni Cayetano, inalis ito na Chairman ng House Com­mittee on Economic Affairs. Mula noon, naging kadikit na ni Velasco si Garin sa lahat ng mga pagtitipon ng Velasco allies.

Ang House Ways and Means Committee ang target na puwesto ni Garin na inuukopa ni Albay Rep Joey Salceda subalit hindi ito uubra kay Salceda kaya ang Deputy Speaker­ship ang pangakong puwesto kay Garin. Hanggang sa dumating ang Nobyembre 9, sa mismong araw ng kaarawan ni Velasco nasira ang pangarap na puwesto ni Garin. Naku po!

Naiulat na sa isang dinner sa Rizal Park Hotel, sa pagitan ng Velasco Allies ay nagbiro si Garin kay Davao Rep. Pulong Duterte ng “hindi ka naman bumoto kay Speaker Velasco pero nagkaroon ka ng puwesto”.

Nakitaan ng pamumula ng pisngi at tila nagpanting umano ang taynga ni Pulong sa “half meant” joke, nauwi ang biruan sa komosyon hanggang sa magkaawatan, bandang huli ay sinabi ni Pulong sa kanyang viber message sa mga kapwa kongresista na didistansya na ito sa ruling majority dahil nakukuwestiyon ang kanyang loyalty at humantong pa ang galit nito sa bantang bibitawan niya ang House Accounts Committee, ang puwestong kinukuwestiyon ni Garin na ibinigay kay Pulong.

Ang masakit nito sa gitna ng lahat ng pangyayari ay si Garin ang napurnada. Hindi maaaring piliin ni Velasco si Garin over sa pader na si Pulong. Kaya ang resulta, out of the picture na ngayon si Garin.

Sa binuong House contingent para sa Bicam sa 2021 budget, nowhere to be found sa 21-panel si Garin na noong 2020 budget ay isa ito sa itinalaga ni Cayetano na miyembro ng bicameral conference. Ayon sa mga malalapit kay Velasco, malabo na rin na maitalaga si Garin bilang House Deputy Speaker.

Tila napaaga masyado ang karma para sa lady solon. Ang masaklap pa nito, mukhang hindi lang karma ang dumating kay lady solon kundi mukhang tuluyang mauunsyami pa ang political ambition dahil ang mga botante sa ngayon ay wala ring ‘forever” sa mga pulitikong mahilig lumundag sa kabilang partido para lamang isulong ang sariling ambisyon para tumakbo sa senatorial race sa 2022.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with