Ekonomiya o kalusugan, ano ang prayoridad?

GO NORTH - Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

Isa sa mga pinag-aaralang mabuti ng mga lokal na pamahalaan ay kung paano aangkop sa hamon na dala ng COVID-19.

Mahirap nga namang planuhin kung paano tutugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan lalo na ang mga nabubuhay sa arawang kita, at matiyak na hindi muling lolobo ang magpopositibo sa COVID, habang sinusubukang buhayin ang ekonomiya.

Ang saglit na muling pagbukas at pagsara ng Baguio Night Market ang patunay.

Ayon kay Eric C., isang night market vendor sa Baguio na na-displaced nung hindi na pinayagan ang pagtitinda sa kahabaan ng Harrison Road, “Mahigit walong buwan kaming nawalan ng kabuhayan at naghikahos. Nakakalungkot na ang daming basher pero nang nagbukas ang mga malaking establishment at mga malalaking kainan, tuwang-tuwa ang marami. Pero kaming marginalized sector ay nanatiling displaced sa kabuhayan o hanapbuhay.”

Sabi pa niya, “Ang COVID-19 ay walang pinipili pero mas higit na tinamaan sa ekonomiya ang mga margi-nalized sector tulad naming mga vendor. High hope uli kami noong nag-GCQ at lalo na noong nag-MGCQ, pero nanatiling sarado pa rin ang night market. Unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa. Nagdudulot na rin ito ng stress, anxiety at may mga depressed na rin sa hanay namin. Ang COVID-19 ay invisible na kaaway pero hindi nakikita ang mental health problem namin, di ba health concern din ito?”

Nais puntuhin ni Eric C. na ang mortality rate sa COVID-19 sa Baguio ay halos nasa 1.23% lang kumpara sa naka-recover.

Sabi ng isang vendor nang tanungin ko kung hindi ba siya nababahala sa COVID-19,  “Natatakot din pero mas natatakot akong magutom ang aking pamilya. Kailangang mabuhay din kami.”

Ano nga ba ang pinagtutuunan ng mga namumuno?  Ang pangalagaan at protektahan ang nasasakupan sa COVID-19 o buhayin ang komersiyo at pasiglahin ang ekonomiya?  Meron nga bang healthy mix?

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with