Bidahan ng foreigners; siyempre bida ang Pinoy

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

Nagbida ang British doctor: “Sa Britain abante na talaga ang medisina. Hinati namin ang atay ng isang tao at inilipat sa ibang tao. Makalipas ang anim na buwan naghahanap na siya ng trabaho.”

Hindi nagpadaig ang German doctor: “Wala ‘yan sa amin sa Germany. Hinati namin ang utak ng isang tao at inilipat sa iba, at sa apat na linggo naghahanap na siya ng trabaho.”

Mayabang din ang Russian doctor: “Lalong wala ‘yan. Sa Russia nilipat namin ang kalahating puso. Dalawang linggo, hanap trabaho na.”

Sumingit ang Pinoy doctor: “Akala n’yo ba atrasado ang Pilipinas? Nu’ng minsan kinuha namin ang tao na walang utak, puso at atay, at ginawa naming President. Ngayon lahat kami naghahanap ng trabaho.”

* * *

Ipinasyal ng Indian official sa mansiyon niya ang kaibigang Pinoy. “Ang laki’t rangya, paano mo ito nakayang itayo?” mangha ang Pinoy. Kumindat ang Indian at tumuro sa labas ng bintana: “Nakikita mo ‘yung tulay na ‘yon?” Umoo si Pinoy. “Tumapyas ako ng 10% ng budget nu’n.”

Napunta sa Pinas ang Indian, at siya naman ang iniikot sa palasyo ng Pinoy official. “Mas malaki’t marangya ito, paano mo naitayo?” usisa ng Indian. Tumuro si Pinoy sa labas ng bintana: “Nakikita mo ang tulay na ‘yon?” Makalipas ang ilang minuto anang Indian, “Wala ako makita.”

* * *

Papipintahan ni Trump ang White House kaya nagpa-quotations. Nagpresyo ang Mexican: $3M. Ang American: $7M. Ang Pinoy: $10M.

Tinanong ni Trump ang Mexican kung bakit $3M. Sagot nito: $1M para sa pintura, $1M para sa labor, at $1M na tubo.

Tinanong ang American kung bakit $7M. Sagot nito: $3M na pintura, $2M na labor, at $2M na tubo.

Tinanong ang Pinoy bakit $10M. Sagot nito: “$4M sa iyo, $3M sa akin, at $3M sa Mexican para ipagawa ang trabaho sa kanya.”

BRITISH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with