^

PSN Opinyon

Makabayan bloc inupakan ni Digong

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng pagdepensa ni House Speaker Lord Allan Velasco sa mga party list Representative na Makabayan block dahil sa “red tagging”, tahasan namang inakusahan­ ng Pangulong Duterte ang mga ito na legal fronts ng CPP-NPA. Anang Pangulo tama  ang Armed Forces of the Phils., sa pagsasabing legal front ng partidong komu­nista ang Makabayan Bloc pati na ang grupong Bayan at Gabriela.

“We are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung NPA-CPP”, ang mabigat na akusasyon ng Pangulo.

Laglag si Velasco sa usapin ng red-tagging sa Pangulo.

Bago iyan, ipinagtanggol ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na sina Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago, ACT Teachers Rep. France Castro­ at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas. Mistulang abogado si Velasco ng Makabayan Bloc laban sa red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC’s) spokesperson.

Napakatindi ang pahayag ni Duterte. Idiniin niya sa kanyang statement ang isa sa Makabayan Bloc members na si Rep. Carlos Zarate na tumatanggap pa umano ng pera mula sa mga oligarch at walang ginawa kundi banatan ang gobyerno. Binira rin ni Duterte si CPP-NPA founder Joma Sison dahil ang guerilla ideology umano nito ay pumatay na ng maraming sundalo at mga pulis.

Naghihintay ang bayan kung ano ang gagawin ng Kamara tungkol dito. Mabuti pa ang Senado, iniimbestigahan na  nila ang usapin matapos ang pagbubunyag ni Ka Eric na dating Kadre ng CPP-NPA tungkol sa pagiging myembro umano ng Makabayan Bloc sa partido komunista. Sa katunayan, dumalo sa pagdinig sina Zarate at Elago na itinanggi ang mga paratang na ito.

Hinamon ni Ka Eric si SpeakerVelasco na pagharapin sila at ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa isang pagdinig. Ito’y upang malinawan ang usapin. Nakakainsulto nga naman sa taong bayan na may mga Kongresista na pinapasahod ng buwis ng mamamayan na mga kaaway mismo ng gobyerno. Aksyonan mo na iyan Mr. Speaker.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with