EDITORYAL - Goodbye shabu, hello marijuana!

EDITORYAL - Goodbye shabu, hello marijuana!

(Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

BUMABA na umano ang demand sa shabu at ang lumakas naman ngayon ay ang marijuana­. Sabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nababawasan na ang nahuhumaling sa shabu at lumilipat na ngayon sa marijuana. Ganunman, mariing sinabi ng PDEA na ang pagbaba ng demand sa shabu ay dahil na rin sa maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Kaliwa’t kanan umano ang operasyon ng PDEA laban sa drug traffickers at pushers.

Sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villa­nueva na ang mga dating gumagamit ng shabu ay lumipat na ngayon sa marijuana at ang iba ay sa ecstacy. Dahil dito, tumaas ang demand ng mari­juana kaya naman dumadagsa ito sa Metro Manila. Karaniwang nanggagaling ang marijuana sa Cordillera Region.

Sinabi ni Villanueva na walang humpay ang pagwasak ng PDEA sa marijuana plantation sa Cordillera. Pagkatapos bunutin ay sinusunog ang mga ito para hindi pakinabangan. Patuloy ang gina­gawa nilang pagsalakay sa taniman ng mari­juana at hindi umano sila titigil lalo pa ngayong mataas ang demand nito. Marami na umano silang nahuli at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Noong Linggo ng umaga, nakakumpiska ang mga pulis ng 217 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Balintawak, Quezon City. Ang nakum­piskang marijuana ay nagkakahalaga ng P26 mil­yon. Tatlong suspek na kinabibilangan ng isang babae at dalawag lalaki ang naaresto. Ayon sa mga pulis, talamak ang bentahan ng marijuana sa Balintawak. Galing umano ang marijuana sa Cordillera. Ginagawa umanong bagsakan ang paligid ng Balintawak market. Kinasuhan na ang tatlong suspect sa paglabag sa dangerous drugs act.

Paigtingin pa ng PDEA ang pagwasak sa taniman ng marijuana sa Cordillera at iba pang lugar sa norte. Sa pagbaba ng demand ng shabu, tiyak­ na lalo pang babaha ang marijuana. Marami ang maaakit na magtanim nito sapagkat mabilis lang ibenta. Ang pagkilos ng PDEA at iba pang drug enforcement­ agency ay mahalaga para hindi lumala ang problema sa bisyong ito na kinahuhumalingan ngayon.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with