Tepok si misis (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

AYON sa Regional Trial Court (RTC), walang pag-aalin­la­ngan na nagkasala si Bruno sa krimen ng parricide sa pagpatay niya sa asawa at dapat siyang makulong ng habambuhay (reclusion perpetua) at magbayad ng danyos. Inapela ang hatol sa Court of Appeals (CA) at Supreme Court (SC).

Ayon sa SC, malinaw na tumestigo si Annie na nakita niya nang biglang pukpukin ng martilyo ng tatay niya ang kaniyang nanay. Ang malinaw, positibo at kapani-paniwala niyang pagsasalaysay sa insidente ay sapat para makulong ang ama.

Hindi natural na ang anak mismo ng akusado ang mag­tuturo sa ama na siyang gumawa ng krimen maliban kung interesado siyang ipaghiganti ang biktima. Hindi niya ituturo ang ibang tao maliban sa mismong salarin.

Isa pa, ang testimonya ng anak ay sinuportahan ng pisikal na ebidensiya base sa mga sugat na tinamo at ayon sa pagsusuri ni Dr. Paterno. Ang sinasabing pagkakaiba ng testimonya nina Annie at Abby ay hindi nagkaroon ng epekto sa kredibilidad ng mga saksi.

Maliliit lang itong detalye na hindi makakapagbago sa katauhan ng akusado. Kahit hindi talaga nakita nina Abby at Ferdie ang ama nang pukpukin nito ng maliit na martilyo sa ulo ang kanilang kawawang ina ay nakita naman nila ang lalaki na nakatayo sa tabi ng nakabagsak na babae at hawak ang martilyong ginamit kasunod o matapos ang pagpatay.

Ang paratang na may masamang motibo si Annie sa pagtuturo sa ama dahil pinayagan ni Bruno ang pagpapakasal ng dalaga ay mababaw at hindi kapani-paniwala. Wala siyang sapat na motibo para lang paratangan ang ama sa karumal-dumal na krimen.

Ang parricide ay pinarurusahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan. Dahil kusang sumuko at walang ibang sirkumstansiya na nakabigat sa kaso ay tama lang na reclusion perpetua imbes na bitay ang ihatol (People vs. Brusola, G.R. 210615, July 26, 2017.

REGIONAL TRIAL COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with