^

PSN Opinyon

Hindi malilimot si Da King

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PAPALAPIT na ang mga araw na maisakatuparan ang bakuna laban sa COVID-19. Sabi ng pamahalaan, may pondo ang bansa na P70 bilyon para maturukan ang may 110 milyong Pilipino. Sabi ni President Duterte, unang babakunahan ang mga frontliner gaya ng mga sundalo, pulis, doctors, nurses at medical Staff at mga mahihirap.

Kaya hindi dapat na magpatumpik-tumpik ang local­ government units sa pagpapakalat ng mga contract tracers­ upang maalis sa mga komunidad ang may COVID-19 at mailagay sila sa isolation facilities nang maiwasan ang pagkahawahan. Ang masakit nito habang abala ang lahat ng mga opisyales ni Digong sa pagpapatupad ng health protocol patuloy naman sa pamamayagpag ang mga salot ng droga sa bansa.

Nitong nakalipas na mga araw bultu-bultong droga ang nalambat ng mga tauhan ni PNP chief Gen. Debold Sinas­ sa iba’t ibang parte ng bansa. Kabilang na riyan ang pagkalambat ni Northern Police District director BGen. Ronnie Ylagan sa tatlong magkakapatid na courier ng droga sa Camanava na umabot sa 25 kilos ng shabu.

Maging si BGen. Ronald Lee ang bagong hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ay may mga nalambat din kilu-kilong shabu sa Bacolod City at Lanao del Sur kung kaya tumaas ang kilay ni Sinas at iniutos sa buong tropa ng kapulisan na hanapin ang mga salot ng droga at ang mga nakaimbak na bultu-bultong shabu.

Malaking palaisipan kasi ito sa liderato ni Sinas kung saan nagmumula ang droga gayong sa super higpit ng kampanya ng kapulisan sa pagpapatupad ng quarantine mula nang tumama ang COVID-19. Ayon sa  pahayag ni PDEA director Wilkins Villanueva wala na raw shabu lab sa bansa. Hehehe!

* * *

Sa Disyembre 14 gugunitain ang ika-16 na anibersaryo ng kamatayan ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr (FPJ), na magpahanggang ngayon ay ‘di pa nabibigyan ng hustisya. Binawian ng buhay si FPJ sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, ilang buwan matapos ang 2004 Presidential elections kung saan  na­agaw sa kanya ang sana’y pagka-Presidente. Pinanininiwalaan nang marami na dinaya si FPJ noong 2004 Presidential elections kaya nanalo si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. 

Hindi pa rin naglalaho ang maalab na paghanga sa kanilang idolo, Para sa nakararaming nagmamahal kay FPJ, ang kawalang katarungan ng kanyang kamatayan ay lalo lamang magbibigay sa kanila ng inspirasyon para ituloy ang laban ni Da King. Batid ng sambayanan kung bakit binawian ng buhay si FPJ -- ito nga yung sinasabing dayaan noong 2004 elections. Di ba mga suki?

Hindi malilimot nang mahabang panahon ang  paghihintay makamit  lamang ang katarungan para kay FPJ. At kung merong nagsasabi na nilimot na ng taumbayan si FPJ, ito ay pakana lamang ng kanyang mga kalaban na nais siraan si Da King. Hehehe!

Kaya sa darating na Disyembre 14, inaasahang magtitipon ang lahat na tagasuporta ni FPJ sa Manila North Cemetery para gunitain ang buhay ng kanilang iniidolo kasabay ng pagbibigay parangal para sa hari ng pelikulang Pilipino.

Hindi matatapos ang pagluluksa ng mga supporter at nagmamahal kay FPJ hanggat hindi nakakamtan ang hustisya. Katarungan pa rin ang isinisigaw sa mga naiwan ni FPJ.  Sabi nga, hindi pa tapos ang laban!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with