#SafeMakati: Una ang Kaligtasan at Kalusugan ng bawat Makatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Napakalaking hamon para sa isang progresibong lungsod tulad ng Makati ang panatilihing ligtas at malayo sa sakit ang ating mga mamamayan. Dahil sentro ng negosyo at komersyo ang aming lungsod, libu-libong tao ang nagpupunta rito araw-araw para magtrabaho at magnegosyo.

Sa kagustuhan naming magpatuloy ang takbo ng ekonomiya at tulungan ang mga negosyante at empleyado na muling makabangon sa gitna ng pandemya, lalo naming pinaigting ang aming mga programa upang gawing mas ligtas at mas sigurado ang kalusugan ng bawat Makatizen.

*Libreng face shield

May dagdag na libreng plastic face shields ang Pamaskong Handog tickets na inihahatid ng mga kawani ng lungsod sa mismong bahay ng mga residente ng lungsod simula noong November 2.

Bukod sa humigit-kumulang 240,000 Christmas bag na inilalaan para sa Proud Makatizens, binibigyan din ng isang pirasong face shield ang bawat benepisyaryo ng aming Pamaskong Handog program. Kabilang dito ang senior citizens, persons with disability (PWD), solo parents, rehistradong mga operator at driver ng dyipni at traysikel, at mga empleyado ng city hall at barangay hall.

*Abot-kayang COVID testing

Ang mga Makatizen at mga negosyo at kompanya sa Makati ay puwede nang magbenepisyo sa mas murang RT-PCR testing. Magbook lamang online sa www.safemakati.com para makapagpa-test sa halagang P2,950 kung indibiduwal. Malaking katipiran ito dahil nasa  P4,500 hanggang P8,500 ang singil ng mga pribadong clinic at ospital sa Metro Manila.

Bagay naman ang pooled swab test para sa mga negosyo at kompanya, dahil mas makakamura sila. Ang pooled testing ay ginagawa sa grupo ng hindi bababa sa 10 indibidwal, at P1,000 lang ang singil bawat tao sa grupo.

*QR Code

Mayroon na ring QR Code system ang Makati para sa aming mga residente at empleyado. Ang code ay ini-iscan kapag ang isang indibidwal ay papasok sa isang opisina o establisimento.

Malaking tulong ang QR code sa contact tracing efforts ng lungsod, lalo na at napakaraming nagtatrabaho sa Makati na mula sa iba’t ibang lugar.  Sa pamamagitan ng QR code, madaling mababasa ang kanilang health declaration at makikita agad ng aming sistema kung sila ay may nakasalamuhang taong nagpositibo sa COVID-19.

Hinihikayat ko ang mga residente at mga negosyo sa Makati na mag-register sa https://umakemakatisafe.com at i-fill out ang Makati Health Declaration Form ID o MHDF-ID. Kung may Makatizen Card na kayo, i-enter ang inyong ID number sa pre-registration step.

Ang bagong sistemang ito ay isa namang inobasyon na nagsusulong ng kaligtasan ng mga mamamayan at ng lahat ng mga manggagawa, mamimili,  kliyente at bisitang pumapasok sa Makati.

Mula nang lumaganap ang pandemya noong Marso, maraming hakbang na ang naisagawa namin sa Makati upang mapanatiling ligtas ang mga residente mula sa COVID-19.

Ang lahat ng mga hakbang na ito ay walang pagod naming ginagawa upang manatiling ligtas at malusog ang Makatizens lalo na ngayong Kapaskuhan, at salubungin ang Bagong Taon na puno ng pag-asa at katatagan.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with