Pag-asa para sa mga Atleta

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Congrats muna kay Rep. Bambol Tolentino na muling nahalal bilang Pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa eleksyon noong Biyernes. Wagi si Cong. Bambol laban kay Atty. Clint Aranas at nagkaroon siya ng bagong apat na taong termino sa POC.

Panalo “hands down” si Cong. Bambol at ang Philippine South East Asian Organizing Committee (PHISGOC) na namahala sa 30th South East Asian (SEA) Games sa kabila ng mga paninira ng grupo ni Atorni. Sino naman kasi ang maniniwala sa mga pagbatikos sa grupo ni Tolentino at PHISGOC na nagbunga ng matagumpay na pagdaraos sa SEA games at humakot  ng medalya ng mga manlalarong Pinoy. Kung sino ang mga nagtrabaho at nag-ayos ng problema sa sports ay sila pa ang inuupakan?

Sa nakalipas na mga panahon bago ang termino ni Bambol, maraming  pondo ang nasayang at napabayaan ang mga atleta. Taun-taon, sumasadsad ang performance ng ating mga atleta dahil sa palpak na  pamamalakad.  Bago pa muling madiskaril ang pag-angat ng sports sa Pilipinas, dapat lang na itama ang mga bulok na sistema.

Katuwang ni Tolentino si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa matagumpay ng pagdaraos ng 30th SEA Games.  Ipinaglaban ni Tolentino ang pagbabalik ng allowance ng mga atleta at coaches na nawala dahil sa pagbawas ng pondo ng Philippine Sports Comission (PSC). Sa tulong ni Speaker Cayetano, naipasa ng Kongreso ang pagbibigay ng allocation para sa mga atleta na nagkakahalaga ng P180 million.

Sana ay mag-tuluy-tuloy ang pag-asenso ng sports sa bansa. Ang matinong pamamalakad sa POC ay bagong pag-asa sa mga atleta na hindi sila mapapabayaan. Kung masaya at protektado ang kapakanan ng mga manlalaro, mas magiging ganado at inspirado silang lumaban para sa bansa.

Sana ay hindi tayo biguin ni Cong. Bambol at ng iba pang  bagong halal na opisyales ng POC. Inaasam nating lahat  na  magkakaroon ng tunay at tuloy-tuloy na serbisyo. Nasa kanilang kamay ang katuparan ng panibagong pag-asa para sa mga atletang Pilipino.

POC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with