Pangalanan ang mga Solons sa DPWH anomaly

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Sabi ni President Duterte, wala siyang karapatang siyasatin ang anomalyang kinasasangkutan ng sangay ng pamahalaan na co-equal sa kanyang tanggapan, tulad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang pahayag ng Pangulo nang hingan ng mga ma­mamahayag ng talaan ng pangalanan ng mga Kongre­sistang dawit umano sa mga anomalya sa mga pagawaing-bayan na isinumiti ng Presidential Anti-Corruption Com­mision (PACC). “Kung wala akong karapatang mag­siyasat sa kanila, wala rin akong karapatang ibunyag ang kanilang pangalanan,” anang Pangulo.

Iniharap ni PACC Commissioner Greco Belgica ang naturang listahan sa Pangulo na binubuo ng mga kongresista na umano’y ginagamit ang impluwensya sa pagpapatupad ng mga public works projects. Ito umano yaong mga Konresistang humihingi ng komisyon sa mga kontratista ng proyekto. Matagal nang sakit iyan sa biyurukrasya.

Totoo na ang mga co-equal branches ng gobyerno tulad­ ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatura ay walang paki­­alaman. Pero sa tingin ko, may karapatan ang isa’t isa na siyasatin ang alin mang sangay na sangkot sa ilegal na gawain. Halimbawa, puwedeng mag-initiate ng impeachment­ ang Mababang Kapulungan laban sa Pangulo kung makakatanggap ng mga reklamo ng anomalya sa pagtupad nito sa tungkulin.

Kung hindi pangangalanan ang mga tiwali, ang reputasyon at integridad ng buong Kongreso ay marurungisan kaya mawawalan ito ng kredibilidad. Pangalanan sila. Tutal, kung talagang walang sala ay maaabsuwelto sila at malilinis ang pangalan. Ang importante ay ipakita ng pamahalaan ang sinseridad nito sa paglilinis sa sistema at ito’y walang sinasanto, pati ang mga kalyado nitong sangkot sa paggawa ng katiwalian.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with