‘Sabong Express’, hamon kay General de Leon!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Magsisilbing hamon sa liderato ni Central Luzon director Brig. Gen. Val de Leon itong patuloy na operation ng online sabong na “Sabong Express” sa loob mismo ng Royce Hotel sa Mabalacat, Pampanga. Itong “Sabong Express” kasi mga kosa ay patuloy na nag-ooperate sa Royce Hotel Clark Freeport kahit abot-langit ang paghihi­yaw nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Cabinet Secretary Karlo Nograles at Palace Spokesman Harry Roque na bawal pa ito habang nananalasa pa ang CO­VID-19 sa bansa. May paglabag na ang “Sabong Express” sa Bayanihan Heal as One, di ba mga kosa? Bakit hindi ito ma-raid ng tropa ni General de Leon eh hayagan naman ang operation nitong online sabong at puno palagi ng mga imbitadong bigtime na sabungero itong Royce Hotel na pag-aari ng pamilya ni Pampanga Gov. Dennis Pineda? Dipugaaaa!

Sa pagkaalam ng mga kosa kong sabungero, puma­yag ang Inter-Agency Task Force for the Management­ of Emerging Infectious Diseases na magbukas na ang pinagkasabikang hobby ng mga sugarol na Pinoy na sabong subalit sa mga licensed na sabungan lang. Sobrang excited ang mga sabungero subalit nanlumo sila dahil mara­ming­ ipinalabas na guidelines ang IATF na nagsasabing bawal­ ang online betting at walang miron sa sabungan. ‘Ika nga bitin pa rin sila kaya sa online sabong sila bumaling para magdibersiyon. Kaya lang kasama sa IATF guidelines na ang sabong ay puwede lang sa licensed na sabungan at itong “Sabong Express” ay ginagawa sa function room ng Royce Hotel kaya’t maliwanag na violation pa rin ito sa Bayanihan Heal as One, di ba mga kosa? Kung maraming violation itong “Sabong Express­” bakit nakaposas ang mga kamay ni de Leon laban dito?  Anong milagro meron dito? Dipugaaaa!

Kung sabagay, hindi aandar itong “Sabong Express” kung walang go signal ng mga kapulisan at sa tingin ko kasali ito sa “no take policy” ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas. Siyempre, hindi natin aasahan si Gov. Pineda na umaksiyon din laban sa online sabong na sa hotel mismo nila ginagawa, di ba mga kosa? Tumpak! Matatandaan na si de Leon ang pumalit kay Sinas bilang PRO7 police director at na relieve s’ya sa isyung illegal gambling din, di ba retired PNP chief Archie Gamboa Sir? Sa ngayon, nanganganib masibak sa puwesto si de Leon kapag hindi n’ya napahinto itong “Sabong Express.” Anong sey mo General Sinas Sir? Dipugaaaa! Abangan!

SABONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with