10 inspirasyon sa buhay

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Sayang ito kung ‘di ko agad isasa-Filipino at ibahagi pag­katanggap ng text mula sa madasaling kaibigan. Magagandang pangaral sa buhay:

(1) Hindi spare tire ang dasal na nilalabas lang kapag may problema. Ang dasal ay manibela para sa tamang landas habambuhay.

(2) Bakit ang windshield ng kotse ay pagkalaki-laki samantalang ang rearview mirror ay pagkaliit-liit. Kasi ang ating nakalipas ay hindi kasing-halaga ng ating hina­harap. Kaya’t tumingin sa paroroonan.

(3) Parang libro ang pagkakaibigan. Ilang sandali lang para ito sunugin, pero maraming taon para sulatin.

(4) Lahat sa buhay ay panandalian. Kapag maganda ang takbo, namnamin, sapagkat hindi ito habambuhay. Kapag masama ang takbo, huwag mag-alala, sapagkat hindi rin ‘yon magtatagal.

(5) Ginto ang matatagal nang kaibigan. Diyamante ang mga bago. Kapag magka-diyamante, huwag kaligtaan ang ginto. Kailangan ng diamante ang pagkakapitang ginto.

(6) Madalas kapag nawawalan tayo ng pag-asa at tila katapusan na ng lahat, ngumingiti ang Diyos mula sa itaas at bumubulong, “Huwag mag-alala, liko lang ito at hindi wakas sa landas ng buhay.”

(7) Kapag nilutas ng Diyos ang suliranin mo, ‘yon ay dahil nananalig ka sa kakayahan Niya. Kapag hindi ka tinulungan ng Diyos, ‘yon ay dahil nananalig Siya sa kaka­yahan mo.

(8) Tinanong ng bulag ang Diyos kung may lalala pa sa mawalan ng paningin. Sagot ng Diyos ay oo, kung ma­walan ka ng pananaw.

(9) Kapag ipinagdarasal mo ang iba, nakikinig ang Diyos at binebenditahan sila. Kapag masaya at ligtas ka, ‘yon ay dahil may nagdasal sa Diyos para sa iyo.

(10) Hindi naaalis ng labis na pag-aalala ang mga suliranin ng bukas. Inaalis nito ang katahimikan ng isip mo sa ngayon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FILIPINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with