One Full Life, hindi awtorisadong dealer

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Babala ng BITAG sa mga tumatangkilik ng Kings Herbal, huwag kayong bumili sa Lazada at Shopee dahil posibleng peke ang inyong mabili.

Isa sa mga nagbebenta sa Lazada at Shopee ay ang kompanyang One Full Life, pero peke ang binebentang Kings Herbal nito.

Kinumpirma mismo sa BITAG ng Reh Herbal Manufacturing na hindi nila awtorisadong dealer at distributor ang One Full Life.

Nakapagsagawa na rin ng hakbang ang Reh Herbal Manufacturing at Kings Empire Corp para makumpirmang hindi lehitimo ang binebenta ng One Full Life.

Nitong nagdaang weekend ay binisita ko mismo ang may likha at herbalist ng Kings Herbal, si Ka Rey Herrera. Una ay para kumustahin ang kanyang kalagayan sa Pampanga matapos ang bagyong Ulysses.

Ikalawa, tinalakay namin ang gagawing hakbang laban­ sa ilegal na pagbebenta ng Kings Herbal sa Lazada at Shopee. Partikular itong pesteng kompanyang One Full Life.

Pangungunahan ng programang BITAG ang babala habang kumikilos na ang abogado ng Kings Herbal.

Makikipag-ugnayan kami sa Department of Trade and Industry at National Bureau of Investigation ng Department of Justice para tuldukan ang walang pakundangan at kawalanghiyaan ng One Full Life.

Tandaan, huwag bumili at huwag umorder ng Kings Herbal sa Lazada o Shopee.

Tanging sa mga authorized distributor at dealer lamang ito mabibili. Wala rin ito sa mga malls at anumang phar­macy­.

Ilegal at peke ang kanilang ibinebenta dahil hindi ito awtorisado ng pamunuan ng Kings Herbal – ang Reh Herbal Manufacturing at Kings Empire Corp.

Para makasigurado kung lehitimo’t orihinal ang mga Kings Herbal na bibilhin, makipag-ugnayan diretso sa main office. Narito ang kanilang official facebook page: facebook.com/officialrehkingsherbal

BITAG LAZADA SHOPEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with