Bumigay na rin

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Kahapon, bumigay na rin ang administrasyon ni U.S. President Donald Trump sa hindi na maawat na agos ng pagkapanalo ni Vice-President Joseph Biden, ang susu­nod na Presidente ng Estados Unidos. Naging hostage ng pagpakipot ni President Trump ang maaga at mapa­yapang paglipat ng kapangyarihan sa papasok na admi­nistrasyon ni President-elect Biden.

Kung tutuusin ay nananatiling President si Donald Trump hanggang oath taking ni Joe Biden sa Enero 2021. May mangangatwiran na, bagama’t hindi grasyoso ang pagtanggi ni Trump na tanggapin ang pagkatalo, labag lang ito sa batas ng good manners and right conduct. Wala itong sinusuway na aktuwal na batas.

Totoo ito. Subalit napakalaki rin ng perwisyo ng pasa­way na ugali ni Trump sa maganda sanang pamamalakad ng gobyerno ng Amerikano. Ang burokrasya sa Amerika ang isa sa pinakamalaki sa mundo. Para sa maganda at episyente nitong pamamalakad, maganda sana kung sa okasyon ng pagpalit ng administrasyon, sa pinakama­agang panahon maituro ng outgoing sa incoming ang mga bagay-bagay na dapat tuunan ng pansin.

Hindi ito kuru-kuro lang. Huling nangyari ang gani­tong atrasadong transition noong taon 2000. Sa elek­syong George Bush vs. Al Gore, umabot sa Mataas na Hukuman ang mahigpit na pagtatalo sa Florida kung saan ilang daang boto lang ang lamang ni Bush. Dahil sa tensyon, halos December na rin nang naresolusyonan ang kontrobersiya para kay President Bush. Dahil sa isang buwang delay, ang naging reaksyon ng administrasyon sa terrorist attacks sa New York at Washington sa 9/11 ay naantala. Ito ang findings ng imbestigasyon matapos ng atake.

Sana ay walang gaanong mapeperwisyo sa atrasadong transition ngayon. Maraming programa na dapat tutukan, lalo na ang estratehiya ng Amerika laban sa pandemya. Panahon lang ang makapagsasabi kung huli na rin ang lahat. Sa ngayon, magpasalamat na lang at, sa wakas, nabawasan na rin kahit papaano ang talaan ng problema sa mundo.

DONALD TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with