^

Wala sa sarili ang mga guro habang ginagawa ang module?

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Mainit ang mga mata ng netizen ngayon sa mga guro natin ngayong pandemya.  Lahat ng mga kilos at galaw ng mga guro partikular sa mga module ng blended learning, sinisilip, pinupuna, tinutuligsa.

Nagsimula ang pamumuna nila sa pagsasalarawan sa module sa aktres na si Angel Locsin. Nag-iwan ito nang masamang panlasa sa mga netizen lalo na sa mga fans at followers ng aktres.

Was it really deliberately and intentionally to hurt her feelings or was it simply an “innocent stupidity?”

Ang persepsyon kasi ay isang pananaw na naipasa sayo base sa’yong nakita, napanood o naranasan na kung tawagin ay “experiential.”

Hindi kaya “unknowingly and unconciously” ay wala lang sa sarili ang mga guro habang ginagawa nila ang module? Kaya ang naging basehan ng kanilang mga ilus­trasyon ay kanilang persepsyon at impresyon.

Eto pang isa, maligalig ulit ang mga netizen sa social media. Ang dahilan, hubo’t hubad na paglalarawan sa pamilya ng Pilipinong magsasaka sa kanilang pananamit.

Tanong ulit, sinadya ba ito ng mga guro na lumikha ng illus­tration na ito para sa kanilang blended learning module­? Ano naman ang kanilang motibo, saktan at laitin ang mga magsasaka?

Tila yata naging “epidemic” na sa mga netizen ang pamumuna ngayong panahon ng pandemya? Hindi kaya naging epidemic na rin ang sakit ng pagiging “ipokrito?”

Kailan ba natutong magmalasakit ang mga netizen natin sa mga pobreng magsasaka? Dati ang tawag pa nga sa kanila ay “hampas lupa” dahil literal na naghahampas ng lupa para makapagtanim?

Karamihan nga ng mga netizen, media at pulitiko, hindi prayoridad ang kalagayan ng mga magsasaka. Halim­bawa na lamang nitong nagdaang bagyo, nagdurusa, nagdada­lamhati kung papaano makakabawi sa mga nasalantang pananim.

Alamin natin ang totoong kalagayan ng buhay ng mga pobreng magsasakang pinagsasamantalahan. Alalahanin nating sila ang mga nagpapakain sa atin.

Imbes nakikigulo sa mga away-pulitika at pinasisikat ang mga hashtag ng panggigiba sa mga pulitiko, bakit walang nakakaalalang ipaglaban din ang sitwasyon ng magsasaka. Bakit hindi #BangonMagsasakangPilipino #AyudaSaMagsasakangPilipino #PrayForFilipinoFarmers #SupportFilipinoFarmers #AssistanceToFilipinoFarmers atbp

Pinapansin n’yo ang ilustrasyon sa kanilang kasuutan, hindi mahalaga ‘yan. Kunwari nagmamalasakit pero ang pagka-ipokrito, nakatago!

PANDEMYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with