Mayors sa illegal logging, mining, pangalanan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Sa bibig na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año nanggaling na maraming mga alkalde ang sangkot sa ilegal na pagmimina at pamumutol ng kahoy­. Hindi naman daw lahat ng Mayor kundi “marami sa kanila.” Ang dapat gawin ni Año ay pangalanan at idemanda ang mga opisyal na iyan na nangunguna sa mga gawaing dahilan ng pagkapinsala ng ating kapaligiran.

Talagang dapat maparusahan ang mga ganyang punum­bayan. Pero Ilan na ba ang tunay na napanagot? Wala yata. Kung sinsero at estrikto ang gobyerno sa pag­sugpo sa problemang nabanggit natin, dapat lahat ng mga opis­yal­ na sangkot sa illegal mining at logging ay naipaku­kulong upang matuldukan na ang problema. Hindi lang mga lokal na opisyal kundi ang mga alagad ng batas­ na nagbubulag­bulagan sa mga aktibidad na dapat nilang pigilin.

Kaso, masyadong reactionary ang pamahalaan. Kung wala pang nangyayaring mga mapaminsalang kalamidad, hindi pa magsasalita at kikilos. Kung seasonal ang mga nagaganap na kalamidad, seasonal din ang aksyon ng pamahalaan at pagkatapos ay isinasainsantabi na naman ang mga hakbang na dapat gawin.

Sabi ni Año, iniutos na ng DILG ang puspusang crack­down laban sa ilegal na pagmimina at logging. May maba­litaan kaya tayong local officials na pag-uusigin at parurusahan? Sana mayroon para masabi nating seryoso ang gobyerno sa hangad nitong sugpuin ang anomalya.

Ayon kay Año, may mga alkalde na direktang kasangkot sa mga naturang ilegal na gawain at mayroon din naman na hindi gumagalaw upang sugpuin ang iregula­ridad kahit batid nilang nagaganap ito. Iyan naman talaga ang nagiging papel ng mga nasa mataas na tungkulin: ang magbulagbulagan at magbingibingihan kapalit ng sandamukal na kayamanan.

Sabi pa ng DILG Chief, dapat maging matalino sa pagboto ang taumbayan para hindi mailuklok ang mga tiwali. Hindi botante ang dapat sisihin kundi ang mga tagapagpatupad ng batas na hindi gumagampan sa kanilang tungkulin. Lubhang kaakitakit ang salaping ipinagwawagwagan ng mga illegal miners at loggers, gayundin ng mga drug syndcate kaya maraming opisyal ang nagiging tiwali. Implementasyon ng batas ang kailangan.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with