Tinuhog ang magkapatid (Last part)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

NANG umapela sa Supreme Court ay parehas pa rin sa Court of Appeals (CA) at Regional Trial Court (RTC) ang hatol bagaman binago ng kaunti. Ayon sa SC, ang ka­un­ting pagkakamali sa mga testimonya nina Anita at Blanca ay hindi importante at hindi mahalagang elemento ng krimen.

Bukod pa sa 8 at 9-anyos lang sila nang mangyari ang mga kaso. Base sa mga naunang desisyon ng huku­man, ang kabataan at kakulangan sa pag-iisip ay senyales ng katotohanan at katapatan.

Isa pa, ang pahayag naman ng biktima tungkol sa rape ay pinatotohanan ng ulat ng doktor na sumuri sa biktima kung talagang nagkaroon ng tinatawag na “penetration” na senyales na totoong ginahasa ang bata.

Hindi rin mahalaga na inabot ng dalawang taon bago nakapagsampa ng reklamo si Anita tungkol sa kahayupang inabot sa kamay ng ama dahil ayon nga sa mga rekord ay hindi siya pinaniwalaan ng mismong nanay niya na si Clarita.

Ang kakulangan ng suporta mula sa mismong ina ang dahilan kung bakit nawalan ng tiwala ang bata. Normal na reaksiyon ito ng mga batang inabuso kapag wala silang taong makita na mapagkakatiwalaan at kung kanino paki­ramdam nila ay ligtas sila.

Pareho rin na tama ang RTC at CA sa pagsusuri nito na gumawa ng kalaswaan o sexual violence si Dante laban­ sa anak na si Bianca. Malinaw, kapani-paniwala at sapat ang testimonya ni Blanca na nakuha pa na ilarawan ang mga ginawa sa kanya ng buhong na ama.

Kaya walang pag-aalinlangan na nagkasala si Dante at dapat hatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo sa rape na ginawa sa biktimang wala pang 12-anyos.

Para naman sa krimen na “acts of lasciviousness”, ang hatol sa kanya ay mula 12 taon hanggang 20 taon at dapat magbayad ng kaukulang danyos sa mga anak (People vs. Divinagracia, Sr., G.R. 207765, July 26, 2017).

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with