Tangkilikin ang PCSO

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

KUNG binayo man nang husto ng tatlong magkakasunod­ na bagyo ang Luzon at Visayas bukod pa riyan ang ka­walan ng hanapbuhay matapos na kumalat ang COVID-19 sa bansa, may masuwerte namang nakapagbulsa ng jackpot prize sa regular lotto 6/42 draw.

Kaya siguradong makakabangon na siya sa pagka­kalugmok at siguradong matutulungan pa niya ang kan­yang mga kamag-anak na muling makabangon sa bangu­­ngot dulot ng kalamidad at pandemya. Hehehe!

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tinamaan ng nag-iisang tao mula sa Guluan, Eastern Samar ang jackpot prize na P20,398,839.60 sa kombinasyong 13-42-03-31-02-22. Hindi lamang ‘yan mga suki, dahil may 25 katao pa na nagbulsa rin ng tig P25,000 bilang premyo sa second prize matapos na mahulaan ang limang kumbinasyong numero. Ang 6/42 regular lotto draw ay sa araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Sa mga pinalad na nanalo maari na ninyong makuha ang inyong premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City. Ipresenta lang ang inyong winning ticket kalakip ang inyong dalawang  valid IDs. Ganyan lang kadali mga suki, simbilis lang ng inyong pagtaya sa mga lotto outlet at sigu­radong datung na, hehehe!

Hinihikayat ni PCSO General Manager Royina Garma ang publiko na tangkilikin ang PCSO games upang maka­likom ang ahensiya nang marami pang pondo na naitutulong sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Ang debidendo kasing makukuha ng PCSO sa inyong mga taya ay malaking halaga upang iayuda sa Philip­pine Government sa pagbibigay ng pondo para sa health Program, medical asistance and services at Charities of National Caracter.

Pangunahin dito ay ang programa sa Medical Access Program (MAP) upang umagapay sa medical needs ng mga Filipino nationwide, partikular sa hospital confinement, chemotherapy, dialysis at post-transplant medicine

Kaya mga suki, tangkilikin ang mga palaro ng PCSO dahil sa bawat taya ninyo ay may kaakibat itong tulong para supor­tahan ang mga pangangailangan ng ating mga mahihirap na kababayan.

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with