^

PSN Opinyon

Mga kampo militar natin ginagapang ng China (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Unti-unting nilulupig ng mga galamay ng China ang mga kampo ng sandatahang lakas ng Pilipinas, matapos agawin ang mga teritoryong dagat natin. Tinutulungan sila ng mga matataas na lider natin.

Inalis ang Air Force mula sa 49-taon base sa Sangley, Cavite, simula Agosto 2019. Unang hakbang ‘yon sa pag­gawa at pagpatakbo ng international airport sa Sangley ng isang China state firm.

Sunod aalisin du’n ang pangunahing daungan ng Phi­lippine Fleet. Mahuhubaran ng depensa ang Manila Bay at sentro ng gobyerno, kaba ng Navy. Ang airport ay gagawin­ ng China Communications Construction Co. Ito rin ang nanguna sa pagkongkteto bilang island-fortresses ng pitong­ bahura ng Pilipinas na inagaw ng China.

Isa pang kompanyang gobyerno ng China ang pinagkalooban ng pribilehiyo na magtayo ng cellular sites sa mga kampo natin. Maaring gamitin ng China Telecom ang mga tore para magmasid sa mga kilos ng militar natin at makinig sa mga komunikasyon. Makakabitan ‘yon ng mga gamit na pang-espiya at sabotahe. Dalawang batas sa China ang nag-oobliga sa mga kompanya at mamamayan nila na tumulong sa pag-eespiya ng estado, at pagsikreto ng partisipasyong ‘yon.

Marami pang galamay ng estado ng China ang pinasasali sa mga proyektong may kinalaman sa seguridad. Isa rito ang pag-rehab ng Marawi City mula sa pagwasak ng mga terorista.

Samantala inaangkin ng China ang mga teritoryo natin­. Ide-dredge ang Scarborough Shoal bilang air at naval base ng China para panapat sa katabing Subic Bay. Pinapa­libutan ng daan-daang trawlers ng Chinese maritime militia ang bayan ng Pagasa, Palawan, para guluhin ang air at sea­lifts doon. Palaging binubulabog ng China coast­guards ang mga Pilipinong sailors na nagdadala ng pagkain at gamit sa Marines sa Ayungin Shoal, sa Palawan din.

Bahagi lahat ‘yan ng China “gray-zone operations”.

(Itutuloy bukas)

vuukle comment

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with