^

Operators ng online sabong, nilalaro sa palad ang gobyerno!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

PINAGDIINAN ni Palace spokesman Harry Roque na bawal pa mag-operate ang online sabong subalit ang negosyanteng si Atong Ang at “kasosyong” si actress Gretchen Barretto ay lumutang sa Iloilo para mag-expand ng kanyang ilegal na negosyo. Siyempre, pinagkaguluhan ng mga Ilonggo si Barretto, na kasama ni Ang, sa ginanap na pulong sa isang beach sa Janiuay at hindi ipinatupad ang social distancing kahit mahigpit na ipinagbawal ito ni Gov. Arthur Defensor Jr. para hindi kumalat ang COVID 19.

Sinabi ng mga kosa ko na ang napag-usapan ay kung paano palalawakin ang online sabong sa Iloilo na balak ni Ang na ipatayo sa bayan ng Lambunao. Siyempre, inalmahan ito ng mga Ilonggo na nagsasabing imbes na tulong ang dalhin nina Ang at Barretto, kademonyohan ang ikinakalat nito sa probinsiya ni Defensor na sinalanta rin ng virus. Sa panahon ng pandemya, pagkakakitaan pa rin ang nasa isipan nina Ang at Barretto, di ba mga kosa? ‘Asan ang konsensiya nila? Dipugaaaa!

Sa isang Laging Handa forum naman, tinanong ng reporter ng Hataw tabloid si Roque kung ano ang status ng online sabong na Pitmaster ni Ang, Sabong Express ni Bong Pineda, Sabong Live 618, Sabong International, JCAP Palito at iba pa dahil namamayagpag pa ang mga ito kahit ibinabando ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal pa sila.

“Hindi po legal ang online sabong,” ang giit ni Roque. Ani Roque, ang huling balita niya ay nakipag-coordinate na si PAGCOR chairwoman Andrea Domingo kay NBI director Eric Distor para ipasara ang mga online sabong na patuloy at hayagang binabastos ang gobyerno ni President Digong.

Mukhang “lip service” lang itong tinuran ni Roque at IATF chairman Defense Secretary Delfin Lorenzana at Cabinet Secretary Karlo Nograles laban sa online sabong, ‘no mga kosa? Nilalaro lang ng operators ng online sabong sa palad nila ang gobyerno ni President Digong? Dipugaaaa! Hehehe!

Halos laman ng social media itong operation ng online sabong subalit wala namang sangay ng gobyerno ni President Digong na kumilos at mapasara sila sa panahon ng pandemya.

At tulad ng gobyerno ni President Digong, nagtuturuan din ang provincial at local government ng Iloilo kung sino ang dapat sisihin sa plano ni Ang at Barretto na mag-expand ng online sabong sa Lambunao, Iloilo. Magkano? He he he! Ano pa ba ang bago diyan? Dipugaaaa! Abangan!

NEGOSYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with