Maghihigpit muli
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MAGHIHIGPIT muli ang Baguio City sa mga taong papasok dahil sa kakulangan ng kakayanan ng Benguet Province na magsigawa ng testing para sa COVID-19. Unang binuksan ang Baguio City sa mga turista mula sa Benguet Province lamang. Hindi pa ito binuksan sa mga taga-ibang lugar tulad ng Metro Manila. Pero dahil sa mga ulat na dumarami ang mga positibong kaso, minabuting maghigpit muli. Tutulong naman daw ang lokal na pamahalaan sa Benguet sa pag-testing.

Ganundin sa Davao at Cebu City kung saan dumarami na naman ang mga positibong kaso. Ang ayaw nilang mangyari ay mapasailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) kaya ngayon pa lang ay kumikilos na para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Malinaw na hindi pa normal ang situwasyon. Pero kung kumilos ang marami, parang wala nang COVID-19 virus sa kapaligiran natin.

Sa mga mall, makikita ang mga tao na walang ginagawa kundi umupo sa mga silya, partikular sa mga food court. May mga senior citizen pa nga. Alam ko na hindi na ipinagbabawal silang lumabas pero may banta pa rin talaga ang COVID-19.  

Kailangan lang nating tumingin sa Europe. Maraming bansa ang nais maghigpit muli pero umaalma ang kanilang mamamayan. Pagod na sa quarantine at lockdown. Nais patak­buhin muli ang ekonomiya pero paano nga magagawa iyan? Malaking bahagi ng ekonomiya ng Europe ay turismo. Sino ang mamamasyal sa panahong ito? Baka sila-sila na muna. Baka ito rin ang dahilan kung bakit dumarami ang kaso. Ang France, Spain, Italy, Germany at Belgium ay nasa top 20. Numero uno pa rin ang Amerika na sinusundan ng India. Sa worldometers.info/coronavirus/ kung saan makikita ang lahat ng impormasyon, pang-26 ang Pilipinas sa rami ng kaso sa mundo. Medyo bumaba mula sa numero 20 noong huling tining­nan ko. Pero bago tayo magsaya, ang Indonesia lang ang mas maraming kaso sa atin. Ang ibang timog-silangang bansa ay malayo na. Umabot na sa 400,000 ang kaso sa bansa, kung saan halos walong libo na ang namatay.

Nasalanta ang bansa ng sunud-sunod na bagyo. Sa gustong makatulong nang marami, tandaan lang na hindi pa rin normal ang sitwasyon kahit lumipas na ang mga bagyo. Tulad ng Cebu City, ayaw mapasailalim muli sa ECQ ang Metro Manila. Baka tuluyan nang bumagsak ang ekonomiya na ngayon pa lang ay hirap na ang marami.   

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with