^

Alagang Proud Makatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2020 - 12:00am

Muli na namang sinubok ang kahandaan ng lungsod ng Makati sa pananalasa ng Bagyong Ulysses lalo pa’t may krisis pa ng pandemya. Naging malaking hamon ito dahil kinailangang ipatupad ang safety protocols sa pagresponde sa mga apektadong Makatizen, ngunit maayos namang naisagawa ng emergency response team ang bawat operasyon, katuwang ang responders ng mga barangay.

Agad na nailikas nang ligtas ang nasa 64 na pamilya o 230 katao sa mga evacuation centers sa apat na barangay na may pagbaha. Nagtayo ng modular tents sa mga covered court bilang pansamantalang shelter ng bawat pamilya. Bilang karagdagang proteksyon, bawat pamilya ay binigyan ng Anti Covid kits na naglalaman ng mga shampoo, sabon, surgical masks, hand sanitizer, face shields, laundry bar, at herbal supplements.

Nakapagluto rin ang social workers ng mainit na hapunan para sa evacuees gamit ang mobile kitchen ng lungsod na may kapasidad para sa pagkain ng nasa 800 katao. Ibinahagi rin sa bawat pamilya ang food packs na may panlimang araw na supply na kanilang naiuwi pagbalik sa kanilang tahanan.

Sa kabutihang palad, zero casualty ang lungsod sa nagdaang unos. Patunay lamang ito ng sapat na kahan­daan ng Makati para sa ganitong mga sakuna. Bukod sa matinding pagsasanay sa responders na binubuo ng rescue team, social workers, public safety officers, Makati police at fire personnel, at mga kawani ng engineering, environmental services, action center, at DRRMO ng lungsod, nakaantabay ang rescue boats, amphibian trucks, mobile kitchens, mobile shower and portalets, water filtration system at iba pang modernong kagamitan para tugunan ang kalamidad.

Handa rin kaming damayan ang mga karatig-bayan na nasalanta. Kaagad kaming nagpadala ng rescue boats, ambulansya, search and rescue team at vehicle sa Marikina, at dalawang rescue boats sa Pasig, upang tumulong sa paglikas ng mga binahang residente.

Malaking bagay ang mga nakatatag nang disaster response protocols ng lungsod na gumagabay sa bawat kasapi ng aming disaster response team. Anumang oras, mabilis na kumikilos at nagsasagawa ng maayos at epektibong pagresponde ang lungsod, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat #ProudMakatizen. Dahil din sa kasipagan at katapatan sa serbisyo ng magigiting na frontliners, tuloy-tuloy ang paglilingkod namin sa mga mamamayan sa kabila ng mga kalamidad.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with