^

PSN Opinyon

Tapos na ba talaga si Trump?

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa darating na Enero ay hindi na si Donald Trump ang Pa­ngulo ng Amerika. Para sa marami, ito lang ang masi­siguro nila, masaya na sila. Kahit sino pang Joe Biden o Hillary Clinton o Bernie Sanders ang nandiyan, matanggal lang si Trump.

Naging kontrobersiyal na pinuno ang ika-45 na Presi­dente ng U.S. Mula nang maupo ay wala itong nirespeto sa paglatag niya ng reporma. Sa pagkontrol ng mga migrante, sa pakikitungo sa Tsina at sa ibang bansa, sa pag­talikod niya sa interes ng ekolohiya at kalikasan, sa pag-atras ng Amerika sa papel bilang tagagarantiya ng demokratikong pamamalakad sa mundo, hindi naging mahiyain si Trump sa pagpahayag ng kanyang intensiyon.

Dahil din nagmula ito sa larangan ng negosyo, hindi ito aral sa mga patakaran ng gobyerno kung saan may mas mataas na pamantayan. Ang nakasanayan nitong paglalagi sa social media ay madalas naging mitsa ng bangayan. Maaga pa lang sa kanyang administrasyon ay nabuko na ang kanyang padalus-dalos na komentaryo sa Twitter na madalas ay walang katotohanan.

Ang pinakamabigat na kritisismo sa kanya ay ang kaku­­langan sa estratehiya sa pandemya. Mistulang ala-tsamba ang naging takbo ng kanyang plano laban sa COVID-19. Maging siya, bilang Pinuno ng bansa, ay naging pasa­way at binalewala ang mga patakaran para sa kalig­tasan ng lahat – mask, distancing, washing.

Mayroon ding mga magandang ibinunga ang adminis­trasyon ni Trump, lalo na sa ekonomiya. Subalit hindi ito sapat na dahilan na tanggapin ng madla ang kanyang kakulangan.

Kapag matapos na ang proseso sa Enero, malinaw na mapapalitan na si Trump ng kanyang katunggaling si dating Vice President Joe Biden. Marami ang nasisiyahan na hindi na ito nakakuha ng pangalawang termino. Ganoon pa man ay halos naungusan lang ito sa pagkatalo. Kalahati pa rin ng Amerika ang patuloy na nananalig sa kanya.

Sa ganitong resulta, malamang sa hindi na ang mga kandidatong tulad ni Trump ay patuloy na mabibigyang puwang sa kamalayan ng botante. Iyan na talaga ang repleksiyon ng totoong anyo ng Amerikano.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with