^

Good news sa migranteng Pilipino sa Saudi Arabia

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2020 - 12:00am

Simula Marso 2021, paluluwagin na ang sponsorship system sa Saudi Arabia na kung tawagin ay Kafala. May katwirang mag-celebrate ang mga OFWs sa Middle East, partikular sa Saudi Arabia. Sa sistemang Kafala, mistulang alipin ang mga OFWs. Hindi agad makakaalis o makakalipat ang mga empleyado nang walang pahintulot ng kanilang mga amo. Ngayon, mas malaya na ang mga migranteng manggagawa sa Gitnang Silangan.

Matagal na pinahirapan ng “kafala” system ang mara­ming Pilipinong manggagawa. Ito ang ugat ng pang-aabuso sa ma­rami nating kababayan lalo na ang mga “domestic helpers”­.

Buong tapang na ipinahayag ni Pangulong Duterte no­ong 2018 na ang Pilipino ay hindi dapat alipinin saan mang bahagi ng mundo. Sinabi niya ito pagkatapos matuklasan ang bangkay ng OFW sa Kuwait na si Joanna Demafelis na nakaranas ng matinding pang-aabuso ng kanyang amo.

May legacy na iniwan si Cong. Alan Peter Cayetano bilang Foreign Affairs Secretary. Noong panahon niya sa DFA, nanindigan ang gobyerno para mabigyan ng hus­tisya ang sinapit ni Demafelis. Nagsimula ang kampanya para sa mas maayos at patas na pagtrato sa mga OFWs. Naki­pagnegosasyon ang Pilipinas sa ibang bansa sa pagbuo ng Global Compact of Migration. Ito ang kauna-unahang United Nations Global Agreement na tutugon sa kapaka­nan ng mga migrante sa buong mundo.

Hindi binigo ni Cayetano ang Pangulo. Matapos ang tatlong buwan ay naiuwi ang bangkay ni Demafelis sa Pilipinas at napirmahan na ang bagong “Agreement on the Employment of Domestic Workers” ng Kuwait at Pilipinas.  Sunod-sunod na ang pagluluwag ng Kafala systema sa maraming bansa sa Gitnang Silangan, ang pinakahuli nga ay ang Saudi Arabia.

Sa tiyaga at pagpupursige, noong December 2018, inaprubahan ng 152 na bansa ang Global Compact of Migration kabilang ang mga bansa sa Gitnang Silangan. Tuloy lang ang laban sa  anumang sistema na nakakapag-pahirap sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Bawat reporma ay makakapagbigay ng bagong pag-asa sa ating mga OFW.

OFW SAUDI ARABIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with