^

P100k para sa Makati Businesses, handa na

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2020 - 12:00am

Magandang balita para sa mga negosyong nag-oope­­rate at rehistrado sa Makati! Maaari na kayong mag-apply para sa tulong pinansyal na aabot sa P100,000 sa ilalim ng P2.5-bilyon Makati Assistance and Support to Businesses (MASB) Program.

Kasama ito sa mga bagong inisyatiba ng Makati na nag­lalayong pasiglahin ang lokal na ekonomiya sa panahon ng pandemya at bigyan pagpapahalaga ang pag-employ sa mga Makatizens.

Sa loob nang maraming taon, naging katuwang natin­ ang mga may-ari ng negosyo upang palakasin ang eko­nomiya ng Makati. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi maki­kilala ang Makati bilang premyadong lungsod para sa negosyo at komersiyo.

Kaya naman ngayong kailangan nila ng tulong, hindi nag-atubili ang pamahalaang lungsod na maglatag ng mga prog­rama para sama-sama tayong makabangon mula sa krisis.

Naniniwala kami na kapag tuluy-tuloy ang operasyon ng mga negosyo, tiyak na mananatiling may trabaho ang kanilang mga empleyado na kinabibilangan ng napakaraming residente.

Sa ilalim ng MASB Program, magbibigay ang Makati ng grants na mula P10,000 hanggang P100,000 sa mga rehistradong negosyo sa lungsod, depende sa uri ng negosyo at bilang ng Makatizens na empleyado nito.

Nakalaan ang pondo para bayaran ang sahod ng mga empleyado, residente man o hindi, at sa mga suppliers ng negosyo. Direktang ire-release ang tulong sa mga empleyado at Makati-based suppliers ng negosyo. Tulong na sa negosyo, tulong pa sa empleyado at pagtangkilik din sa mga suppliers sa Makati.

Ang tulong pinansyal sa MASB Program ay hindi utang at hindi na kailangang bayaran kung tumupad ang ne­gosyo sa mga sumusunod na kondisyon sa loob ng dala­­wang taon: 1) Magpapatuloy sila ng operasyon; 2) Hindi sila magtatanggal ng Makatizen employees; at 3) Mahigpit silang susunod sa mga ordinansa at safety guidelines ng lungsod.

Pinag-aralan namin itong mabuti upang gawing madali, mabilis at automatic ang proseso ng pagbibigay ng grants sa mga kabilang sa halos 78,000 rehistradong negosyo sa Makati.

Nitong mga nagdaang linggo, hinimok namin ang maraming home-based enterprises na magrehistro upang maging lehitimong negosyo para sila rin ay  makinabang sa mga benepisyong hatid ng aking administrasyon.

Maaaring mag-apply para sa financial grants sa ilalim ng MASB plan sa www.proudmakatizen.com. Bisitahin din ang My Makati Facebook page at www.makati.gov.ph para sa iba pang detalye at anunsyo.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with