Take ur pick: Eleazar o Sinas bilang PNP chief!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2020 - 12:00am

Binabalasubas na ng mga management ng online sabong ang gobyerno ni President Digong sa patuloy nilang operation kahit abot-langit ang pagbabando ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal pa ang kanilang negosyo sa panahon ng pandemya. Parang balewala lang si President Digong?

Habang umaakyat ang limpak-limpak na salapi sa bulsa ng mga operator ng online sabong, marami sa mga kosa ko ang nagsasabing binabastos na nila ang Presidente ng bansa. Kailangan pa bang magmura si President Digong bago tumalima ang management ng online sabong sa kautusan ni IATF chair Defense Secretary Delfin Lorenzana na bawal pa ang operation nila?

Habang bilad ang operation ng online sabong, ang naapektuhan ay ang imahe ng PNP dahil hayagan din silang inaapak-apakan nitong palaro sa live streaming. Kung sabagay, hindi naman puwedeng ang PNP lang ang dapat sisihin sa patuloy na operation ng online sabong dahil may say din dito ang PAGCOR, GAB ni Abraham Mitra, gobernador, mayor, chairman ng barangay, tanod, at NBI. Dipugaaaaa!

Subalit sinabi ng mga kosa ko na mababago ang ihip ng hangin kapag nagretiro na sa Martes si PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan. Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nagsumite na siya sa Palasyo ng pangalan ng tatlong senior PNP officers bilang kapalit ni Cascolan.

Ayon naman sa mga kosa ko sa Camp Crame, pi­na­tawag sa Palasyo noong Huwebes sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Adminis­tration at hepe ng Joint Task Force Covid Shield at NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Hindi masabi ng mga kosa ko kung sino sa dalawa ang binasbasan ni President Digong, sa harap ni Sen. Bong Go.

Subalit ang mahigpit na bilin ng Presidente ay huwag nang ituloy ang programang “Malasakit” dahil para lang sa indigent ito at ang mga pulis ay hindi na mahirap dahil malaki na ang suweldo. Kasamang wawalisin ay ang Food Bank dahil wala ngang gastusin ang PNP dito subalit mukha naman silang nagmamalimos na lalong ikakasama ng imahe ng kapulisan. Dipugaaaa!

Si Eleazar ay nag-utos na hulihin ang mga online sabong subalit mukhang naka-isang buwan na eh wala pang nahuli ang PNP samantalang si Sinas ay tahimik lang sa isyu dahil wala naman nito sa Metro. Ngayon mga kosa, sino ang kursunada n’yo kina Eleazar at Sinas na papalit kay Cascolan? Take ur pick!  Dipugaaaa! Abangan!

IATF RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with