EDITORYAL - Itigil ang quarrying

EDITORYAL - Itigil ang quarrying

(Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2020 - 12:00am

Sa bibig mismo ng mga taga-Guinobatan, Albay nanggaling na kaya nagkaroon ng grabeng pagbaha at pag-anod ng mga malalaking bato sa kanilang lugar ay dahil sa quarrying operations. Isinumbong nila ito kay President Duterte nang magtungo ito roon noong Lunes at agaran nang pinaiimbestigahan ang pangyayari. Kahapon, sinabi naman ni Albay Gov. Al Francis Bichara sa radio interview na hindi ang quarrying ang dahilan nang pagbaha.

Pito na ang naitatalang namatay sa Guinobatan nang manalasa ang Bagyong Rolly noong Linggo. Ang Albay ay isa sa mga probinsiya sa Bicol Region na grabeng sinalanta ng bagyo. Maraming bahay ang nabaon sa putik at bato sa Guinobatan. Umabot ng hanggang ikalawang palapag ng bahay ang ruma­gasang putik at mga bato.

Sabi ng mga residenteng nakaligtas, akala raw nila ay katapusan na nila sapagkat malalaking bato ang kasamang inanod at humampas sa kanilang mga bahay. Mayroong mag-asawang matanda na nakaligtas nang butasin nila ang kanilang bubong at doon nagdaan para makalabas. Ngayon lang daw nangyari ang ganung delubyo sa kanilang lugar na pati malalaking bato ay inanod.

Agad namang sinuspende ni DENR Sec. Roy Ci­matu ang pagku-quarry sa Guinobatan kasunod ng utos ng Presidente. Nalaman ni Cimatu na 11 quarrying operators ang nagsasagawa ng quarrying. Nabatid din ng DENR Secretary na bago ang pananalasa ng Bagyong Rolly, hindi inalis ng quarry operators ang kanilang mga equipment sa ilog kaya nang bumaha, kasamang rumagasa ang mga ito sa mga bahay.
Nakapagtataka naman kung paano nabigyan ng per­mit para makapag-quarry ang 11 quarrying companies. Napakairesponsable nila na iniwan pa ang mga equipment sa ilog gayung may anunsiyo na ang PAGASA na isa ang Albay sa daraanan ng Bagyong Rolly. Nararapat na imbestigahan ni Cimatu kung talagang may permit ang nagku-quarry.

Hindi dapat palampasin ang nangyaring ito. Mismong mga residente na ang nagsabing ang pagku-quarry ang naging dahilan kaya nagkaroon nang malaking baha sa kanilang lugar. Sila na ang nagpapatotoo sa pinsalang idinulot ng quarrying. Mas makabubuti kung itigil nang tuluyan ang operations ng quarrying companies sa mga ilog doon lalo ang nasa paligid ng Bulkang Mayon.

ALBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with