^

PSN Opinyon

Moment of Truth

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay natuloy na ang Presidential Elections sa Amerika. Sa ilang araw ay magkakaalaman na kung ang kontrobersiyal na si President Donald Trump ay rere­galuhan pa ng mga kano ng sariwang 4 year term. Kahit ano pang sabihin at sino pa man ang katunggali, itong 2020 election ay referendum ng mga Amerikano sa liderato ng kanilang Pangulo.

Araw pa ang bibilangin dahil marami-raming botante ang bumoto sa paraan ng pag-mail-in ng kanilang balota, Ngayong panahon ng pandemya, maraming mamamayan na umiwas sa pagbotong personal sa araw ng halalan. Sa mga Estado, tatanggap ang kanilang CO­MELEC ng boto sa mail basta kita sa tatak ng post office na hanggang Nobyembre 3 rin ito naipadala. Kapag Nob­yembre 4 o lampas pa ang post mark ay hindi na papa­yagan.

Tinatayang magiging mahigpit muli ang labanan kung kaya hindi mauulit ang mga nakasanayan dating mapa­yapang transition. Itong tensiyon sa halalan ay dadag­dag sa nakalatag nang tensyon sa lipunan sa mga nang­yayaring diskriminasyon sa mga kapatid nating African-American at sa mga paghigpit sa mga immigrant mula sa iba’t ibang bansa.

Kung kaya hindi lang normal na alitan ang inaasahan ng mga negosyo sa mga komunidad. Ang mga pina­kitang lakas o puwersa ng marchers sa mga protesta – sa isang panig ay iyong mga pumalag sa Black Lives Matter protest at sa kabila naman ang mga loyalist ni President Trump or mga nananalig na ang Amerika ay maihubog sa anyong nagugustuhan – ay malamang lamang maging mitsa ng higit na malalang lamat sa lipunan.

Kaliwa’t kanan ay pinagpaplanuhan na ang mga worst case scenario. Ang dasal ng marami ay sana’y magkaroon ng malinaw na trend ang resulta ng eleksyon – kesyo kay Trump or sa kalaban niyang si Vice President Biden – nang mas madaling matanggap ng madla na ang pasya ng nakararami ay karapat dapat sundan.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with