^

Tavor, Galil atbp. Para sa Pulis Makatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2020 - 12:00am

Bukod sa pagpapalago ng negosyo, kalusugan ng bawat Makatizen, at libreng edukasyon sa kabataan, isa sa aking mga prayoridad ang alagaan ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng nakatira, nagtatrabaho, at nagnenegosyo sa Makati.

Noong una pa man ay katuwang na ng pamahalaang lungsod ang Makati Police sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.

Napakataas ng aking respeto at tiwala sa ating kapulisan. Buo rin ang aking suporta sa kanilang mga programa at teknikal na pangangailangan. Kaya naman, laging the best ang aming ibinibigay para sa ating magigiting at matatapang na pulis.

Nitong nakaraang linggo, nagturn over kami ng 100 unit ng Tavor assault rifle, 100 unit ng Galil assault rifle, at tatlong unit ng Galil sniper rifle, bukod pa sa ibang makabagong kagamitan tulad ng Meprolight Red Dot Reflex Sight Model, KDS Tactical Gas Mask, Meprolight Night Vision Scope Model, at Dillon Precision sa Makati Police.

Ang mahahalagang gamit na ito ay epektibong kasangkapan para lalong pag-igtingin ang presensiya ng pulis sa buong lungsod. Makakatulong din ito sa pagpapababa ng kriminalidad at pagpapanatili ng kapa-yapaan sa Makati, lalo ngayong panahon ng pandemya.

Agad na napansin at pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Debold Sinas ang mga primera-klaseng armas ng Makati Police. Ayon sa kanya, ang Makati ang nag-iisang puwersa ng pulisya sa Metro Manila na may mga baril mula sa Israel, isang bansa na kilala sa paggawa ng mga de-kalidad na rifle.

Bukod dito, plano rin naming kumuha ng security at weapons expert mula sa Israel upang bigyan ng training ang mga Pulis Makati. Gusto kong lalong mapaghusay ang kanilang kakayahan sa paggamit ng mga naturang armas. Alam ko ring marami silang matututunan sa larangan ng seguridad at mga bagong paraan ng pagpuksa ng krimen.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga Pulis Makati na tapat na naglilingkod sa lungsod at sa lahat ng #ProudMakatizen.  Sa tulong nila, patuloy na ligtas at tahimik ang ating mahal na lungsod.

KDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with