^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mega task force vs corruption

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mega task force vs corruption

Isang mega task force na mag-iimbestiga sa mga katiwalian sa buong pamahalaan ang pinabubuo ni President Duterte kay Justice Sec. Menardo Guevarra. Iniutos ng Presidente na imbestigahan lahat ang mga tanggapan ng gobyerno na sangkot sa corruption. Walang exception sa gaga­wing imbestigasyon.

Unang ipinag-utos ng Presidente kay Guevarra na imbestigahan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at pati na rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Inulit naman ng Presidente ang pagsuporta kay DOH Sec. Duque at DPWH Mark Villar.

Sinabi pa ng Presidente na asahan nang mayroon siyang sususpendihing opisyal at personnel sa mga darating na araw. Kapag daw may sinuspende siyang opisyal, ibig sabihin nun e duda siya. Hindi raw siya magsususpende kung walang kasa­lanan ang opisyal o empleyado.

Ang mega task force na bubuuin ay tatagal hang­gang Hunyo 30, 2022 o mas matagal pa maliban na lamang daw kung buwagin ito ng papalit sa kanya.

Hindi lamang mga opisyal ng tanggapan ang sakop para imbestigahan ng mega task force, pati raw mga kongresista at senador ay kasali rito. Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mandato ng Department of Justice (DOJ) na imbes­­tigahan ang lahat kahit ang mga nasa lehislatura. Kahit daw may immunity ang mga mambabatas, hindi kasama ang paglabag sa anti-graft laws. Ang isang tiyak, basta nangurakot ang kongresista at senador, iimbestigahan ito ng DOJ.

Malawak ang sakop ng gagawing pag-iimbestiga ng DOJ. Pati mga mambabatas ay kasama. Kung magkakatotoo ito, maraming mambabatas ang tiyak na masasampolan ng DOJ. Maraming sangkot sa katiwalian gaya nang paglustay sa pondo ng PDAF na pinadaan sa bogus NGOs ni Janet Lim Napoles ilang taon na ang nakararaan.

Kung magtatagumpay ang task force ng DOJ laban sa mga korap sa buong pamahalaan kasama na ang mga mambabatas, tagumpay ito ng taumbayan. Maraming matutuwa sapagkat sagad na sa buto ang nangyayaring katiwalian sa pamahalaan. Dahil sa katiwalian, nauubos ang pera ng bayan na dapat ay gamitin sa pagpapaunlad at pagbibigay ng ser­bisyo sa taumbayan.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with