May mangyari kaya?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Resignation will not save your neck!” Ito ang pahayag ni President Duterte sa mga opisyal ng PhilHealth na bumitiw na sa tungkulin sa kasagsagan ng imbestigasyon sa katiwalian sa ahensiya. Hindi raw matatakasan ng mga sangkot sa katiwalian ang managot para sa mga criminal activity.

Maganda ang banta na iyan. Dapat lang matakot ang mga sangkot na katiwalian at kriminalidad. Pero nananagot ba sila? Nakukulong ba sila? Nasesentensiyahan ba sila?

Pinuna ni Sen. Lacson na mukhang absuwelto kaagad ang mga kaalyado ni Duterte tulad ni DOH Sec. Duque at DPWH Sec. Villar. Kailan lang ang DPWH naman ang nasa balita dahil sa umano’y patuloy na katiwalian, kahit sa ilalim ng administrasyong ito na madalas ipagmalaki na galit sa korapsyon. Sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), may mga mambabatas na nakikinabang sa “kickbacks” sa mga proyekto ng DPWH. Hindi raw sila puwedeng magbulag-bulagan kaya magsusumite ng ulat kay Duterte tungkol sa resulta ng kanilang imbestigasyon.

Pero may kahihinatnan ba ang lahat ng inakusahan at kinasuhan dahil sa katiwalian? Magbabanggit lang ako ng ilang halimbawa.

Ano na ang nangyari sa kaso laban kay Janet Lim Napoles at nina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na may kinalaman sa PDAF scam? Ano na ang nangyari sa kaso laban sa mga Binay ng Makati na may kinalaman­ sa napakamahal na parking building? Ano na ang nangyari sa kaso laban sa dalawang Usec. ng Bureau of Immigration dahil sa P50 milyong pangingikil sa gaming tycoon? Ang kontrobersiya sa Bureau of Customs, sa Bureau of Corrections. Mga tauhang namuno sa mga ahensiya na iyan na nabigyan pa ng ibang posisyon matapos bumitiw.

Sigurado ako na marami pa akong hindi nababanggit na malalaking kaso. May nakulong na ba sa mga iyan, nahatulang may sala kahit may mga mabibigat na ebidensiya laban sa kanila?

Due process ang madalas na dahilan ng gobyerno. Pero taon na ang inaabot ng mga high-profile na kasong ito. May ebidensiya, may mga testigo laban sa mga suspek. Ano pa ang kailangan? Kaya hindi ako magtataka kung taon din aabutin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa katiwalian sa PhilHealth. Baka nagpalit na ang administrasyon ay wala pang nangyayari riyan, o sa mga kasong nabanggit ko rito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with