Ang utang ay dapat bayaran
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Meron akong nais bigyang diin hinggil sa nakaraan kong kolum na pagdedeklara ng BITAG ng giyera laban sa mga inirereklamong online lending.

‘Yun ay para sa mga bastos, nanggigipit, nagbabanta at nang-aalipusta na online lending collectors sa kanilang mga kinokolektahan.

Ang pagdedeklara ng BITAG ng giyera ay hindi ibig sabihin na huwag nang magbayad ng utang. Lilinawin ko, ang utang ay dapat bayaran.

Marami kasi ang nag-aakala na ang deklarasyong ito ng bitag ay para ma-absuwelto na at hindi na magbabayad ng obligasyon ang mga nangutang.

Sasabihin ko na, kung pupuwede nga lamang ay huwag nang mangutang lalo na kung alam sa sarili na mahi­hi­rapang magbayad.

Sabi nga ng isang Home Credit field collector na nag­kumpisal sa BITAG, ang mga kostumer daw kasi ay naka-focus sa pera, gadget o appliances na uutangin at hindi sa presyo at halaga ng magiging interest nito.

Ang siste, mas malaki pa ang uutangin kaysa sa sasa­hurin. At kapag nahirapang magbayad, saka maglalakas loob itong mga putok sa buhong balahura’t bastos na tele-collector ng mga online lending company.

Akala siguro ng mga pendehong ito na gumagamit ng mga screen name o pekeng pangalan ay hindi sila mabu­buking sa kanilang mga ginagawang kabalahuraan at kaba­buyan na pinagsasabi.

Kami sa bitag ay tagapagtanggol ng mga inapi’t inabuso. Hindi kami tagapagligtas ng may utang. Kapag may utang, dapat magbayad.

Itong mga reklamo laban sa mga baboy na tele-collector, para matigil ay ipasara’t ipagbawal ang kanilang naglipanang parang mga kabute sa mobile apps at internet.

Hindi puwedeng manatili sa mundo ito ang mga bastos tele-collector na ito kung wala nang mangungutang. Wala nang mababalahura, wala nang mababastos.

Lilinawin ko rin, iba ang mga financing company na nirereklamo tulad ng Home Credit. Ang mga nangutang ay may pinirmahang loan agreement kasama na ang detalye ng interes na babayaran kapag nagmintis. Huwag na huwag tayong malilito rito.

Kaya ang Securities and Exchange Commission at maging Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi lang dapat nananahimik. Ngayong panahon ng pandemya, tumulong kayong pagaanin ang paghihirap ng mga Pilipino.

BSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with