EDITORYAL -  Ipakita ang bangis sa mga kurakot
EDITORYAL - Ipakita ang bangis sa mga kurakot
(Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Lilinisin ang pamahalaan sa mga nangungurakot. Ito ang gustong mangyari ni President Duterte. Gusto niya, bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022 ay malinis ang pamahalaan sa korapsiyon.

Ipinag-utos niya kay Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang alegasyon ng korap­siyon sa buong gobyerno. Utos niya, imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga opisyal at kawani na nangungurakot. Walang sasantuhin. Ginawa ng Presidente ang utos sa isang taped address noong Martes ng umaga.

Noong nakaraang linggo, may kaugnayan din sa katiwalian ang mga sinabi ng Presidente at nabanggit pa niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na patuloy ang nangyayaring katiwa­lian. Sa baba umano nangyayari ang katiwalian. Mariin naman niyang sinabi na hindi kasama si DPWH Sec. Mark Villar sa mga gumagawa ng katiwalian. Imposibleng mangurakot si Villar dahil mayaman ito.

Maraming corrupt sa pamahalaan at minsan na­sabi ng Presidente na balak na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa nangyayaring korapsiyon. Talamak umano ang korapsiyon sa maraming tanggapan ng pamahalaan at mukhang mahirap nang masolus­yunan.

Marami ang bumatikos sa inihayag ng Presidente na balak magbitiw dahil sa problema sa corruption. Nagpapakita raw ito ng kahinaan. Sa halip daw na umatras ay dapat labanan ang mga corrupt. Kaila­ngang ipakita ang tapang at bangis sa mga corrupt.

Minsan sinabi ng Presidente, makaamoy lamang daw siya ng singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Wala na raw tanung-tanong pa.

Ganyan ang nararapat. Sibakin at huwag nang ibabalik sa posisyon. Ilang opisyal ang sinibak niya dahil sa corruption pero ibinalik din. Halimbawa rito ay si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ngayong minanduhan na ng Presidente si Secretary Guevarra na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian, maaaring masawak na ang korapsiyon. Sana, magkaroon ng magandang resulta ang pakikipaglaban sa mga tiwa­ling opisyal. Unahin ni Guevarra ang mga corrupt sa PhilHealth, Immigration, Customs at maging sa DPWH. Ipakita ang bangis sa mga nangungurakot.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with