^

PSN Opinyon

Kailan kikilos ang SEC laban sa mga bastos na lending collectors?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Kinakailangang mag-double time at talagang magising­ na kung natutulog man sa pansitan ang Securities and Exchange Commission (SEC).

Kung sa BITAG pa lamang, dagsa na ang reklamo laban sa mga bastos at abusadong tele-collectors ng mga online lending company, sigurado ako, lalo na sa talaan ng SEC.

Kung mabilis lang sanang kumilos ang ahensiyang ito laban sa mga putok sa buhong online lending na ito, hindi na siguro manghihimasok ang mga tulad namin sa BITAG.

Matapos naming maipalabas ang aktuwal na pakikipag-usap ko sa bastos na kolektor ng PesoPop, sunud-sunod ang mga sumbong na natatanggap ng BITAG.

Pati mga kapwa kolektor na hindi masikmura ang kaba­lahuraan sa paniningil ng mga kapwa ahente, lumalapit sa amin para ilantad ang pagmumukha ng mga hinayupak.

Sinong hindi magagalit, sa halagang mula P1,000 hang­­gang P5,000 bababuyin, sasalaulain ang pagkatao mo nitong mga balahurang kolektor na ito.

Nakikiusap ang mga kliyente na mali-late lamang ng oras ng pagbayad o ‘yung iba naman na talagang tinamaan ng malas ng pandemya’t nawalan ng hanapbuhay, hindi ma­kaintindi ang mga hijo de kutsinta!

Ilang recorded conversation na ang ipinadala sa BITAG mula mismo sa mga biktimang sinisingil, mga screen shots ng pagmumura, pananakot at pamamahiya ng mga online lending collector.

Hindi mo masisikmura ang tabas ng dila ng mga ito. Dahil sa nagkaroon sila ng access sa iyong contacts sa cell phone at social media, ipapahiya ka ng mga hinayupak na ito para ipangalandakan ang iyong utang.

Nakakabahala ang pagdami ng mga biktima. Ngayong pan­demya, imbes magbigay ng palugit at pang-unawa, dumadagdag sa panggigipit at hirap ng sitwasyon.

Meron na raw sinampolan ang SEC. Sumbong ng ilan, mga nagsipagpalit lang ng pangalan at tuloy na naman sa kanilang pambabarubal.

Dapat matigil na ang mga online lending apps na naglipana sa mobile application at social media accounts. Eto ‘yung mga predators na naglalatag ng kanilang patibong sa internet para may masilo.

Kaya ang BITAG, nagdeklara na ng giyera laban sa mga kompanyang ito, ganundin sana ang SEC. May horror list na ang BITAG ng mga online lending company na ito at sana ganundin ang SEC.

SEC, kumilos kayo!

vuukle comment

SEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with